Balita

Marawi evacuees dinedma ni Digong?

- Ni ALI G. MACABALANG

MARAWI CITY – Dismayado kay Pangulong Duterte ang ilang sektor dahil sa anila’y kawalan nito ng malasakit sa kasalukuya­ng sinasapit ng evacuees mula sa Marawi City, kabilang ang mga nagplano ng mass homecoming ng mga residente ng siyudad sa Lunes, kasabay ng ikalawang State- of- the- National Address (SONA) ng Presidente.

“Sobra kaming dismayado dahil umaasa kami sa kanya (Duterte, sa pagbisita nitong Huwebes), na may sasabihin siya tungkol sa aming mga evacuees, o kahit ano na makapaglul­ubag sa damdamin ng Maranao community sa sinasapit namin ngayon,” sinabi ng isang guro sa pampubliko­ng paaralan nang kapanayami­n sa telepono ng may akda.

Tinukoy ng ayaw magpabangg­it ng pangalang guro ang pagbisita ng Pangulo sa Marawi nitong Huwebes makaraang ilang beses na makansela dahil sa masamang panahon.

Kasamasina­DefenseSec­retaryDelf­in Lorenzana at National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., sa kanyang talumpati ay nagpasalam­at si Duterte sa kabayaniha­n at pagsasakri­pisyo ng mga sundalo upang mabawi sa Maute Group ang Marawi.

Bilang pasasalama­t, namahagi ang Pangulo ng iba’t ibang gamit sa militar, ayon sa media reports.

Sinabi naman ng isang Maranao na retiradong opisyal ng Philippine Army, na ngayon ay evacuee sa Iligan City, na bagamat hinahangaa­n niya si Duterte sa pagkakaroo­n ng “kagustuhan­g ma-comfort ang mga sundalo, dapat na nagpakita rin ang Presidente ng malasakit sa 300,000 kataong naapektuha­n ng digmaang pakana ng gobyerno niya.”

Dahil dito, inaasahang itutuloy ng daan-daang evacuees ang planong pagmamarts­a papasok ng Marawi sa Lunes, kasabay ng ikalawang SONA ng Pangulo.

Una nang sinabihan ng Malacañang ang mga organizer ng homecoming na huwag nang ituloy ang kanilang balak dahil nagpapatul­oy pa rin ang bakbakan sa Marawi.

Sa mga huling Facebook post ni Drieza Abato Lininding, isa sa mga homecoming organizer, sinabi niyang handa na ang lahat para sa pagmamarts­a nila sa Lunes.

Ang nasabing protesta ay suportado ni Marawi City Mayor Majul Gandmra, ng social network leader na si Agakhan “Bin Laden” Sharief, at ni dating Assemblywo­man Samira Gutoc-Tomawis, na nagbitiw bilang isa sa mga bumuo ng bagong Bangsamoro Basic Law bilang protesta sa “rape joke” ni Duterte noong Mayo.

 ?? JUAN CARLO DE VELA ?? Nakikinig ang mga operatiba ng Civil Disturbanc­e Management sa lecture ng mga opisyal ng Police Regional Office-7 sa Camp Sergio Osmeña tungkol sa karapatang pantao, kaugnay ng inaasahang kilosprote­sta sa Cebu City sa Lunes, kasabay ng...
JUAN CARLO DE VELA Nakikinig ang mga operatiba ng Civil Disturbanc­e Management sa lecture ng mga opisyal ng Police Regional Office-7 sa Camp Sergio Osmeña tungkol sa karapatang pantao, kaugnay ng inaasahang kilosprote­sta sa Cebu City sa Lunes, kasabay ng...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines