Balita

Desisyon ng SC sa martial law, pinababago

- Rey G. Panaligan

Humirit kahapon ang mga mambabatas ng oposisyon sa pangunguna ni Rep. Edcel Lagman sa Supreme Court (SC) na muling pag-isipan ang ibinabang desisyon noong Hulyo 4 na nagdedekla­rang naayon sa batas ang pagdeklara ng 60 araw na martial law sa Mindanao resulta ng mga pagaatake ng Maute Group sa Marawi City, Lanao del Sur.

Inihain ang motion for reconsider­ation isang araw bago ang nakatakdan­g pagpaso ng 60-araw na Proclamati­on No. 216 ngayong Hulyo 22.

Hinihiling ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin ang martial law sa Mindanao hanggang sa katapusan ng taong ito.

Magdadaos ang Kongreso ng special session ngayong araw para talakayin ang panukala ng Pangulo.

Nakapaloob sa Section 18 ng Article VII ng Constituti­on na “upon the initiative of the President, the Congress may, in the same manner, extend such proclamati­on or suspension for a period to be determined by the Congress, if the invasion or rebellion shall persist and public safety requires it.”

Kasama ni Lagman sa paghahain ng 54-pahinang motion for reconsider­ation sina Akbayan Partylist Rep. Tomas Villarin, Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano, Capiz Rep. Emmanuel Billones at Ifugao Rep. Teddy Baguilat, Jr.

Hinihiling din nila na muling isaalang-alang ang mga opinyon nina Chief Justice Maria Lourdes P. A. Sereno, Senior Justice Antonio T. Carpio, at Justice Alfredo Benjamin Caguioa na dapat limitahan ang mga lugar na isinailali­m sa martial law at hindi dapat sinakop ang buong Mindanao.

Sa kanilang mosyon, sinabi ng mga mambabatas na ang desisyon ng SC ay “flawed and tainted” dahil binitawan ng Mataas na Korte ang kapangyari­han nito na repasuhin ang mga batayan sa pagdeklara ng martial law sa Mindanao.

Muli nilang iginiit sa kanilang mga argumento na walang totoong rebelyon sa Marawi City at sa buong Mindanao nang ideklara ng Pangulo ang martial law at sinuspinde ang writ of habeas corpus noong Mayo 23.

Sa 11-3-1 na desisyong inilabas noong Hulyo 6, pinawi ng SC ang mga pangamba, prejudice at agam-agam ng publiko kaugnay sa deklarasyo­n ng martial law sa Mindanao na ayon kay Pangulong Duterte ay mayroong sapat na batayan para ipatupad dahil “rebellion exists and that public safety requires it.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines