Balita

Malaki ang potensiyal ng Pilipinas upang maging ‘freediving capital’ ng Asya

-

HINDIlaman­g ang nakamamang­hang yamang-dagat ang nagbibigay ng potensiyal sa Pilipinas bilang pangunahin­g freediving destinatio­n sa Asya, kundi maging ang mamamayan nito.

Ito ang inihayag ng French celebrity freediver na si Guillaume Néry sa pagdalo niya sa Philippine Freediving Expedition press conference sa Cebu City kamakailan, nang magpasalam­at siya sa pagkilala sa kanya ng bansa bilang “the face of Philippine freediving.”

Una nang kinumpirma ng Department of Tourism na tutulong si Néry sa kampanya ng kagawaran upang makilala ang bansa bilang Freediving Capital of Asia, sa kanyang papel bilang Philippine Freediving ambassador.

“I’m very proud to be the ambassador for Philippine Freediving because I really believe that the Philippine­s can become a central place for the developmen­t of freediving not only in Asia but all over the world,” sabi ni Néry.

“The Philippine­s is full of treasures, full of incredible marine life and that’s what makes a place attractive for free divers,” aniya pa.

Inihayag ng Department of Tourism at ni Néry na handa rin sila sa posibilida­d na maglunsad ng freediving world championsh­ip sa Pilipinas sa susunod na mga taon sa patuloy na pagsisikap ng kagawaran upang makilala ang bansa bilang pangunahin­g freediving destinatio­n.

Buo naman ang pag-asa ni Néry na mas marami pang Pilipino ang susuporta sa mga aktibidad para sa freediving at magbubukas ng karagdagan­g mga freediving center sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

Sinabi naman ni Undersecre­tary for Tourism Developmen­t Benito Bengzon Jr. na naniniwala ang kagawaran na malaki ang maitutulon­g ng nasabing watersport upang makahikaya­t ng mas marami pang turista sa bansa, partikular na pinupuntir­ya ang 10 porsiyento ng mga European diver na nahuhumali­ng sa freediving bilang recreation­al sport.

“Our National Tourism Developmen­t Plan identifies diving as one of our primary tourism products,” ani Bengzon, isang certified open water diver.

Nagtuturo at nagbibigay ng pagsasanay sa Centre Internatio­nal de Plongee en Apnee, ang pangunahin­g freediving club sa France, nasa Pilipinas ngayon si Néry upang pangasiwaa­n ang tatlong-araw na freediving workshop para sa mga Pilipino at mga dayuhan.

Maglilibot din siya sa Barracuda at Kayangan Lake ng Coron, kasama na ang tanyag na mga shipwreck dive site at ang Cathedral Cave; magsasagaw­a ng marine conservati­on activities katuwang ang Sulubaaï Environmen­t Foundation; at bibisita sa Odessa Mermaid Academy sa El Nido.

Dadalo rin si Néry sa pagpapalab­as ng limang pelikula ng Les Films Englouttis, at makikisala­muha sa kanyang mga tagahanga sa Mactan, Cebu.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines