Balita

Vilma Santos, 40th Gawad Urian Lifetime awardee

- Ni JIMI ESCALA

MARAMI

ang nag- akalang hindi sisipot si Vilma

Santos sa 40th Gawad Urian na ginanap sa ABS- CBN nitong nakaraang Huwebes ng gabi. Inisnab daw kasi ng Urian ang pinag-usapang acting ni Ate Vi sa All About

Her na limang best actress awards na naibibigay sa Star for All Seasons.

Kaya marami ang nagulat na kahit kararating lang galing America ay present ang beauty ni Ate Vi sa Gawad Urian night para tanggapin ang Gawad Urian Lifetime Achievemen­t Award.

Ayon kay Ate Vi, malaki ang utang na loob niya sa Urian sa pagkilala sa kanya simula pa noon at magpahanga­ng ngayon. Katunayan, walong best actress awards na ang napanaluna­n niya sa nasabing award-giving body.

“I guess I am lucky enough to be given eight awards kaya iyon lang, eh, dapat ko nang ipagpasala­mat sa Urian,” sey ni Cong. Vi.

Aniya pa, malaking bagay para sa kanya ang panibagong karangalan­g ibinigay sa kanya ng Urian. Kahit nasa pulitika na raw siya ngayon, iba pa rin ang pakiramdam niya sa tuwing nakakatang­gap siya ng parangal sa pagiging aktres niya.

Kahit mas abala na siya sa pagiging public servant, hindi pa rin niya nakakalimu­tan ang industriya­ng kinalalaki­han niya -- ang industriya ng pelikula at telebisyon.

Kasabay ring pinasalama­tan ni Ate Vi ang The Eddys na siya rin ang hinirang na best actress, pero hindi niya personal na natanggap ang kanyang tropeo dahil nasa America siya noon.

Hindi rin niya nakalimuta­ng banggitin ang Vilmanians na palaging nakasuport­a sa kanya sa showbiz man o sa pulitika.

“Kaysarap ng pakiramdam dahil sa mga Vilmanians ko na walang sawa ang suporta na ibinibigay nila sa akin. Sa totoo lang naman, sobrang suwerte pa rin naman ako dahil andyan pa rin sila,” lahad pa ng Star for All Seasons.

Samantala, sa darating na Star Awards for Movies na gaganapin sa September 3 ay muling nominado si Ate Vi para pa rin All About Her at sila pa rin ng kumare niyang si Nora Aunor ang mahigpit na magkalaban.

“Kami naman ni Kumare, eh, graduate na kami riyan. Kumbaga, kung sinuman ang mananalo, eh, happy kami for sure,” pahayag ni Ate Vi.

 ?? 40th Gawad Urian awardees ??
40th Gawad Urian awardees
 ?? Vilma ??
Vilma

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines