Balita

Awra, inakalang uugod-ugod na si Roderick

- Ni REGGEE BONOAN

MAPAPANOOD na bukas ang Wansapanat­aym Presents

Amazing Ving ni Awra Briguela at excited ang bagets. Mantakin ba namang bida na agad siya at superhero pa ang ipinagkati­walang role sa unang TV series niya.

Aliw na aliw ang reporters sa press launch nila last Thursday dahil ang gaganap na tatay ni Awra ay si Roderick Paulate na nagkataon na siya palang inirekomen­da sa kanya ni

Coco Martin na maging peg niya noong bago pa lang siyang ma-discover. Kaya pinanood niya ang mga pelikula noon ni Dick.

Nagkatawan­an pang lalo nang magkuwento si Awra na nag-alala siya na baka hindi na makaarte si Dick na inakala pala niyang matandang-matanda na.

“Pero nang mag-taping na kami,” sey ng bagets, “mas maliksi pa siyang kumilos kesa sa ‘kin.”

“Siguro ang akala mo uugod-ugod na ‘ko, ano?” natawang sabi ni Kuya Dick. Palibhasa, marami na rin kasing nakakasama­ng senior stars sa Ang Probinsyan­o si Awra.

Samantala, proud na proud si Coco ngayong nakikita niya kung gaano kamahal ng bata ang trabaho niya at talagang pinagbubut­ihan pa.

May IG posts si Coco na mega- promote sa Wansapanat­aym Presents Amazing Ving. Kaya panay naman ang pasasalama­t ni Awra sa kanyang Kuya Coco. Sa press launch, natanong si Awra kung nalungkot o masaya siya na nawala si Onyok o Xyriel Ezequiel Pineda) sa FPJ’s Ang

Probinsyan­o at nagulat ang lahat sa sagot niyang, “Opo, masaya ako.”

Hindi dahil nawala si Onyok at solo na ni Awra ang limelight ng Probinsyan­o kundi masaya siya dahil matutupad na ang gusto ng kaibigan na muling bumalik sa pag-aaral dahil lagi raw may dalang libro ang bagets sa set ng serye nila.

E, si Awra kaya, kailan naman siya magbabalik­eskuwela?

 ?? Roderick at Awra ??
Roderick at Awra

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines