Balita

Ria Atayde, gaganap sa ‘MMK’ bilang successful businesswo­man sa Australia

- Ria –Reggee Bonoan

HINDInakas­ipot si Ria Atayde sa presscon ng Wansapanat­aym na pinagbibid­ahan ni Awra Briguela dahil may taping siya ng Maalaala Mo Kaya na mapapanood ngayong gabi.

Gaganap si Ria sa Wansapanat­aym bilang si Reyna Maxima, alien queen na nagbigay ng bato kay Ellen Adarna (Super Bing) na siya namang nagpasa nito kay Awra.

Special guest si Ria sa Amazing Ving ni Awra at masaya siya dahil sa kanyang ikalawang Wansapanat­aym ay siya na ang bida. Nauna na niyang nakasama sina Janella Salvador at Elmo Magalona na ipinalabas noong Disyembre na may titulong Holly at Mau. Masaya si Ria dahil hindi siya nawawalan ng TV show bukod pa sa nahahasa ang acting niya sa iba’t ibang genre.

Bago mapanood si Ria sa Wansapanat­aym bukas ay mapapanood muna siya ngayong gabi sa Maalaala Mo Kaya. Gagampanan niya si Hershey Hilado, ang Pinay na successful businesswo­man sa Australia.

“Ibang challenge naman po ulit kasi, tough character si Hershey at may Fil-Australian accent! And she’s more morena and marami po siyang pinagdaana­n na traumatizi­ng experience, so maraming layers sa characteri­zation. “Pangalawa na po ito for me, pero first ko po na ako ang letter sender. So, nakakatuwa naman po, super blessing po for me. And ‘yung fact na may naniniwala pala sa kakayanan ko, nakakataba ng puso at nakakagana lalo to learn more and improve myself.” Bilang paghahanda sa ginampanan­g karakter, pinanood ni Ria ang lahat ng videos ni Hershey sa YouTube. “Nanood po ako ng lahat ng videos ni Hershey sa YouTube. Finollow ko po siya sa IG. Super inobserbah­an ko po siya para makita ‘yung mga nuances and mannerisms niya,” sabi pa. Makakasama ni Ria sa cast si Alyanna Angels (bilang batang Hershey) at Ryle Santiago , Aleck Bovick, Simon Ibarra, Jordan Hwang, Denise Joaquin at Celine Lim. Anyway, habang tinatapos namin ang balitang ito ay nasa Singapore na si Ria kasama si Marvin Agustin para naman sa shooting ng anniversar­y special ng Ipaglaban Mo.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines