Balita

Lead singer ng Linkin Park, nagpatiwak­al

-

NATAGPUANG patay si Chester

Bennington, ang lead singer ng rock band na

Linkin Park, nitong Huwebes sa kanyang bahay sa southern California at lumalabas na siya ay nagpakamat­ay, pahayag ng opisina ng Los Angeles County Coroner.

Sinabi ng Coroner’s office spokesman na si

Brian Elias na ipinagbiga­yalam ng mga pulis sa kanilang opisina ang tungkol sa pagkamatay ni Chester, 41, Huwebes ng umaga. Ayon kay Elias, may mga pahiwatig na suicide ang naganap.

Iniulat ng celebrity website na TMZ na sinabi ng law enforcemen­t sources na nagbigti si Chester sa kanyang bahay sa Palos Verdes malapit sa Los Angeles.

Nag-tweet ang isa pang bokalista ng Linkin Park na si Mike Shinoda ng, “Shocked and heartbroke­n, but it’s true. An official statement will come out as soon as we have one.”

Si Chester ay may kasaysayan ng alcohol at drug abuse. Hindi niya inilihim ang pagsisikap na talunin ang mga demonyo sa kanyang utak nang unang umani ng tagumpay ang Linkin Park noong 2000 sa paglabas ng kanilang album na Hybrid Theory. Noong 2011, sinabi niya na anim na taon na siyang walang bisyo. Ang huling studio album ng grupo na One

More Light ay inilabas nitong nakaraang Mayo, at sinimulan ng Linkin Park ang kanilang world tour.

Namatay si Chester isang linggo bago simulan ang nakatakdan­g U. S. leg tour ng banda sa Hulyo 27 sa Mansfield, Massachuse­tts.

Si Chester, dalawang beses nang ikinasal at may anim na anak, ay malapit na kaibigan ng

Soundgarde­n front man na si Chris Cornell, na nagpakamat­ay sa Detroit nitong Mayo.

Pinansin ng fans kahapon na nagpakamat­ay si Chester sa petsa ng sana’y 53rd birthday ni Chris.

Nagpaskil si Chester ng madamdamin­g mensahe sa kanyang social media accounts noong mamatay si Chris. “I’m still weeping, Chester with sadness, as well as gratitude for having shared some very special moments with you and your family,” saad niya. Kasama sa debut album ng Linkin Park na Hybrid Theory ang mga pumatok na awiting In the

End, One Step Closer at Crawling, na nagwagi ng Grammy award noong 2002 para sa best hard rock performanc­e. Nag-eksperimen­to ang banda sa rock, metal at rap, at nakipag-collaborat­e kay Jay-Z sa 2004 album na Collision Course. Kasama sa album, mashup ng mga sikat na awitin ng rapper at ng Linkin Park, ang Numb/Encore, na nanalo ng Grammy award noong 2006 para sa best rap/sung collaborat­ion.

Nakapagben­ta ang banda ng mahigit 70 milyong album sa buong mundo.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines