Balita

Andrew Garfield, klinaro ang isyu sa pagiging gay man

-

NAISklaruh­in ni Andrew

Garfield ang ilang bagay tungkol sa kanyang pagiging gay man.

Matatandaa­ng sa panel discussion noong Hulyo, tinalakay ni Garfield ang kanyang preparasyo­n para sa play na Angels in America, at ang sabi ng British-American actor, “My only time off during rehearsals — every Sunday I would have eight friends over and we would just watch ( RuPaul’s Drag

Race). This is my life outside of this play. I am a gay man right now, just without the physical act — that’s all.”

Ipinagdiin­an ni Garfield na ang kanyang pahayag ay binigyan ng ibang kahulugan ng media, kaya nainsulto ang publiko, dahil lumalabas na pinasimple na lang niya ang kahulugan ng pagiging bading.

Dahil sa mga kritisismo­ng natatangga­p, nakipagugn­ayan si Garfield Newsbeat, at ipinaliwan­ag ang kanyang panig:

“That’s of course not what I meant at all. That discussion was about this play and how deeply grateful I am that I get to work on something so profound. It’s a love letter to the LGBTQ community. We were talking about, ‘How do you prepare for something so important and so big?’ and I was basically saying, ‘I dive in as fully as I possibly can.’”

Inamin ng aktor na hindi niya agad tinanggap ang role ni Prior Walter, ngunit pumayag din kalaunan nang kumbinsihi­n siya ni Tony

Kushner, ang writer ng show. Sa kabila ng kontrobers­iya, naniniwala si Garfield na mairerepre­senta pa rin niya ng maayos ang LGBTQ community:

“My only longing is to serve and to keep the world spinning forward for the LGBTQ community in whatever way I’m meant to. … The intention (in my comments) was to speak to that, speak to my desire to play this part to the best of my ability and to fully immerse myself in a culture that I adore.”

 ?? Andrew ??
Andrew

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines