Balita

Auction ng personal items ni Madonna, ipinatigil ng korte

-

Sinabing isang New York state judge nitong Huwebes na hindi maaaring ituloy ang online auction ng mga personal item ni Madonna kabilang ang satin panty na isinuot niya, hair brush na may hibla ng buhok niya, at break-up letter mula sa kanyang dating boyfriend, ang namayapang rapper na si Tupac Shakur.

Pinanatili ni Supreme Court Justice Gerald Lebovits sa Manhattan ang kanyang temporary restrainin­g order noong Hulyo 18 na humaharang sa subasta ng 22 items ng Gotta Have It Collectibl­es. Magdedesis­yon si Lebovits sa Setyembre 6 kung maglalabas ng preliminar­y injunction.

Nauna rito, nagsagawa ng legal na aksiyon si Madonna para pigilin ang nasabing auction.

Nakasaad sa mga papeles na nakuha ng ET, nagsumite ang 58-year-old singes ng emergency court order nitong Martes, na pipigil sa pagbebenta ng items niya na nakatakdan­g magsimula sa Miyerkules.

Kabilang sa items na ipagbibili ay ang prison letter mula kay Tupac Shakur, kung saan ipinaliwan­g nito ang dahilan ng paghihiwal­ay nila ng superstar. Kabilang sa ilang items ay ang handwritte­n letter para sa ex-boyfriend ni Madonna na si

Peter Shue – kasama ang “personally worn panties” – pati ang kanyang “personally owned and used hairbrush with her hair.”

Ayon sa mga dokumento, nalaman lang ni Madonna ang tungkol sa subasta sa pamamagita­n ng media reports ngayong buwan.

“On or about July 8, 2017, I became aware through media reports that there was a planned auction of extremely personal, private correspond­ence I received from a former boyfriend, the late recording artist and actor Tupac Shakur ( the “Shakur Letter”),” nakasaad sa dokumenton­g isinumite ni Madonna.”I was shocked to learn of the planned auctioning of the Shakur Letter, as I had no idea that the Shakur Letter was no longer in my possession. I have never sold, gifted, transferre­d or otherwise disposed of the Shakur Letter, or granted anyone else the authority to do so.”

 ?? Madonna ??
Madonna

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines