Balita

Ika-67 labas

-

BUOna nga sa isip ni Efren ang pakikipagt­igasan kay Deth. At alam niyang may panalo siya. Di ba nanalo na nga siya noon? Nanalo siya noon laban sa kanyang biyenang babae—si Nanay Carla. Di ba sa simula pa ng kanyang panliligaw kay Deth, ayaw na sa kanya ni Nanay Carla. Pero umubra ba ang pag-ayaw sa kanya ni Nanay Carla? Saka itong paghiwalay nila ni Deth sa biyenan niya. Di ba nahimatay pa kuno si Nanay Carla? Eh nagmatigas siya na may kasamang luhod at pagmamakaa­wa, di ba si Nanay Carla ang bumigay?

Yabang mo, Efren! Hindi naman bumigay si Nanay Carla sa pagluluhod at pagmamakaa­wa mo. Nagtangka ka pa ngang magpakamat­ay sa pamamagita­n ng pagbibigti pero hindi ka naman puwedeng mamatay dahil dinaya mo. Sayad nga ang paa mo sa lupa. Nalansi mo lang sila. Ang hindi natiis ni Nanay Carla ay si Deth. Totohanan kasing nahimatay ang asawa mo sa ginawa mo.

“At least, nanalo pa rin ako. At promise, mananatili akong mananalo. Ako yata ang nakapantal­on sa amin di gaya ni pareng Serafin. A, hindi ko na kumpare ‘yon, promise.”

LUMIPAS ang ilang araw. Para nang may hindi nakikitang pader sa pagitan ng mag-asawang Efren at Deth. Totoo, ang namamagita­n sa kanila ay hindi naman masasabing tulad ng karaniwng labanan ng mag-asawa na may murahan, kalmutan, sabunutan, balibagan ng plato, sangkalan at iba pang kagamitan sa kusina. May kapitbahay nga kami, habang natutulog si lalaki, binuhusan ng kumukulong kape ni Misis. Kaya hayun, ‘yong isa ay kilala lang sa lugar namin sa tawag na Mang Kanor Sangkalan at iyon naman ay si Mang Natong Nescafe.

Hindi naman ganoon kagrabe ang mag-asawang Deth at Efren. Ang Efren ay regular namang pumapasok sa kanyang trabaho at regular ding umuuwi ng bahay. Ang Deth ay ginagawa din naman ang kanyang tungkulin. Nagsasaing at nagluluto ng ulam. Naglilinis ng bahay ‘pag naisipan. Naliligo at nagpapagan­da lalo na kung alam niyang darating na buhat sa opisina si Efren. Pero ang nananatili ay ang nakapagita­n sa kanilang mataas na pader. Para silang nakatira sa magkaibang daigdig. May komunikasy­on naman sila: “Ginabi ako, matrapik, e.” “Bakit? Tinanong ba kita?” “May pagkain ba?” “Meron. H’wag mong hintaying ipaghain pa kita.”

“Kaya kong asikasuhin ang sarili ko.”

Akala ko ba, walang kibuan ang mag-asawang ito. E, paano sila nakakapagu­sap? ‘Yong writer nito, niloloko lang yata tayo.

Ang sinabi ko lang po sa inyo ay hindi sila naguusap. Pero wala po akong sinasabing wala silang komunikasy­on. Hindi pa ba kayo nakakakita ng selpon. Kung hindi pa, wa’ na ako sey.

Nakakayang makipagtik­isan ni Deth kay Efren dahil mayroon na nga siyang libangan. Oras na makaalis si Efren, kahog na siyang nagtutungo sa bingohan ni Nana Senyang. At nakalimuta­n na rin niyang aawayin nga pala niya ang kanyang kumareng Precy. Hoy, hindi ko kumare ‘yon!

Pero may kamalasan ang pagbabalik­bingo ni Deth. Mula sa araw na bumalik siya sa bingohan, hindi pa siya nakatikim ng panalo. Sa unang araw nga, halos ay masimot ang allowance na kabibigay lang ni Efren. Mabuti na nga lang, bagong suweldo si Efren noong Sabado na sinundan ng Linggong magsimba sila na nauwi nga sa away nila dahil sa kanyang kumare (hindi ko kumare ‘yon!).

Pauwi siya noong araw na iyon, sinasabi niyang hindi na muna siya babalik kinabukasa­n. Lalo na kung magkakabat­i sila ni Efren na hindi nangyari. Itutuloy…

 ??  ??
 ?? R.V. VILLANUEVA ??
R.V. VILLANUEVA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines