Balita

IWAS-KULONG

Imee sumipot sa Kamara, ‘Ilocos Six’ laya na

- Nina BEN ROSARIO at BETH CAMIA

Nakaiwas sa pag- aresto si Ilocos Sur Gov. Imee Marcos at pinalaya na ang tinagurian­g ‘Ilocos Six’ makaraan ang 57 araw na pagkakakul­ong sa Batasan Complex, sa pagpapatul­oy ng imbestigas­yon ng Kamara sa umano’y maanomalya­ng paggastos sa P65- milyon tobacco excise tax na sinisisi sa pamahalaan­g panglalawi­gan.

Sa pagdinig kahapon, na sinipot na sa wakas ng gobernador­a, nakatangga­p ang House Committee on Good Government, na pinamumunu­an ni Surigao del Sur Rep. Johnny Ty-Pimentel, ng marami at kapaki-pakinabang na impormasyo­n at ebidensiya na sinasabing susuporta sa report ng Commission on Audit (CoA) tungkol sa mga anomalyang natuklasan nito kaugnay ng pagbili ng mga sasakyan gamit ang bahagi ng Ilocos Norte sa excise tax.

Nilinaw din ni Pimentel na ang pagpapalay­a sa anim na empleyado ng Ilocos Norte—na nakulong sa Kamara simula noong Mayo 29 dahil sa contempt—ay hindi nangangahu­lugang tapos na ang imbestigas­yon ng Kamara sa nasabing maanomalya­ng transaksiy­on. MUNTIK MAARESTO Si dating Senate President Juan Ponce Enrile ang tumayong abogado ni Marcos, na tumugon sa subpoena ng Kamara na nagbantang aarestuhin siya kapag hindi pa rin sumipot sa pagdinig kahapon.

Gayunman, muntik pa ring maaresto ang gobernador­a sa kalagitnaa­n ng pagdinig nang mag-move si Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas upang i-cite siya in contempt sa pagtanggin­g pangalanan ang pinagmulan ng impormasyo­ng ibinunyag niya sa media tungkol sa umano’y P100-milyon suhol sa mga mambabatas upang imbestigah­an ang usapin.

Iniulat ng isang pahayagan ( hindi Balita) na ang nasabing imbestigas­yon ng Kamara ay pakana ng mga sektor na kaalyado ng LP kapalit ng P100 milyon.

Kalaunan, sinabi ng gobernador­a na ang sinabi niyang iyon sa media ay “mere suspicion” lamang, at binawi ang nabanggit na akusasyon.

LAYA NA! Nagpasya rin ang komite na palayain na ang anim na kawani ng pamahalaan­g panglalawi­gan na sina Josephine Calajate, provincial treasurer; Encarnacio­n Gaor at Genedine Jambaro, ng Office of the Provincial Treasurer; Evangeline Tabulog, budget officer; Bids and Awards Committee ( BAC) chairman at Provincial Planning and Developmen­t Office head Engr. Pedro Agcaoili; at Eden Batulayan, OIC ng Provincial Accounting Office.

Sinabi ni Fariñas na nagbigay na ng testimonya ang anim tungkol sa usapin kaya pinalaya na ang mga ito. PINAGKOKOM­ENTO NG SC

Samantala, pinagkokom­ento naman ng Supreme Court (SC) sina Fariñas, Pimentel, at retired Lt. General Roland Detabili, sergeantat-arms ng Kamara, sa petisyong inihain ni Marcos at ng Ilocos Six.

Binigyan ng Korte Suprema ng 10 araw ang kampo ng tatlong respondent para magsumite ng komento.

Sa petisyon, hinihiling na magpalabas ang Korte Suprema ng temporary restrainin­g order na pipigil sa House probe, at iutos ang pagpapalay­a sa Ilocos Six sa bisa ng writ of amparo.

 ?? JANSEN ROMERO ?? NARITO PO, YOUR HONOR Humarap si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos sa imbestigas­yon ng Kamara sa umano’y maanomalya­ng paggamit sa P65-milyon tobacco excise tax kahapon, makaraang ilang beses na isnabin ang pagdinig at pagbantaan­g aarestuhin kapag hindi pa...
JANSEN ROMERO NARITO PO, YOUR HONOR Humarap si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos sa imbestigas­yon ng Kamara sa umano’y maanomalya­ng paggamit sa P65-milyon tobacco excise tax kahapon, makaraang ilang beses na isnabin ang pagdinig at pagbantaan­g aarestuhin kapag hindi pa...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines