Balita

Shaina at Carlo, may ‘nakaraan’ pala

- --Reggee Bonoan

KUNG walang girlfriend si Carlo Aquino, tiyak na itutukso siya kay Shaina Magdayao. Bagay na bagay sila bilang love team sa seryeng The Better Half.

Akala namin, kami lang ang nakakapans­in kina Carlo at Shaina bilang sina Marco at Camille pero marami pa pala. Nag-resurface tuloy ang istorya na noong mga bata pa pala sila ay tinutukso na sila sa mga pinagsamah­an nilang programa.

Sa stories ng Instagram, lumitaw ang litrato nina Shaina at Carlo noong mga bata pa sila na may ibinubulon­g ang aktor sa aktres.

Ang caption ni Shaina, “Awwww. Talaga, Pangga? Talaga ha, Major #flashbackF­riday for #TeamSunset #Hiling.”

Ang cute nina Shaina at Carlo noong mga bata pa sila, akalain mo na may nakaraan pala ang dalawa? Sayang at hindi sila nagkatagpo nang magdalaga’t magbinata na sila.

Anyway, sa tumatakbon­g kuwento ng The Better Half, planong ligawan ulit ni Marco si Camille kaya panay ang sunod nito saan man magpunta ang dating asawa na hindi siyempre gusto ng huli dahil nagkabalik­an na sila ni Rafael ( JC de Vera).

Wala kasing nakakaalam na nagkabalik­an na sina Camille at Rafael at lagi namang nakabuntot si Marco kaya inaakala ng lahat na pinagsasab­ay niya ang dalawang lalaki.

Aliw ang mga eksena, ang haba ng hair ni Shaina na pinag-aagawan ng dalawang lalaki na sa totong buhay ay pareho nang ‘taken’ at ang aktres naman ay ilang taon nang single.

Samantala, bagay na bagay namang kontrabida si Emmanuel

Vera bilang si Ashley na may gusto rin kay Rafael at gusto rin siya ng mommy ng huli.

At itong si Denise Laurel (Bianca) ay tuluyan na yatang nasisiraan ng bait dahil nagsasalit­a nang mag-isa.

Anyway, hindi naman umere ang The Better Half noong Lunes dahil kinain ng oras ng ikalawang SONA ni Presidente Rodrigo Duterte.

Hindi masyadong obvious na tagasubayb­ay kami ng show, ‘no? Ha-ha-ha!

 ??  ??
 ?? Shaina at Carlo ??
Shaina at Carlo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines