Balita

R271.9B budget para sa peace & order

- Ni Genalyn D. Kabiling

Naglaan ang gobyerno ng P271.9 bilyon upang protektaha­n ang seguridad, kaayusan at kaligtasan ng mga Pilipino, habang binabantay­an ang karagatan ng bansa, alinsunod sa panukalang 2018 national budget.

Ipinanukal­a ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglalaan ng P140.4 bilyon sa pagpapaigt­ing ng kakayahan ng militar laban sa mga kaaway, at P131.5 bilyon para sa pagpapatul­oy ng kampanya ng pulisya kontra droga at krimen.

Isinumite ng Pangulo sa Kongreso ang panukalang P3.767trilyon national budget ilang oras makaraang ilahad ang kanyang State- of- the- Nation Address (SONA) nitong Lunes.

“We will allocate P140.4 billion to beef up the military capability of the Armed Forces of the Philippine­s,” ani Duterte. “Of the amount, P25 billion is for the Revised AFP Modernizat­ion Program to fund the procuremen­t of armaments, surveillan­ce, mobility, and communicat­ions equipment necessary to maintain peace and order.”

Sinabi pa ng Pangulo na bibigyan naman ang Philippine Coast Guard (PCG) ng P3.1 bilyon upang i-upgrade ang kakayahan nito sa pagpapatru­lya sa karagatan at mga baybayin ng bansa.

Bukod sa P131.5 bilyon para sa PNP, nagkaloob pa ang gobyerno ng hiwalay na P900 milyon para sa Oplan Double Barrel Reloaded kontra droga. ‘VERY STRONG ARMED FORCES’ Binanggit din ng Presidente ang plano niyang mag- hire ng 40,000 sa militar at pagbili ng mga drone at iba pang kagamitan upang matugunan ang “future threats” sa seguridad ng bansa.

“I would need about 35-40,000 to meet the future threats coming our way from within and outside the country,” sinabi ni Duterte sa mga mamamahaya­g matapos ang kanyang SONA.

“I will prepare my Armed Forces on war footing kasi may giyera,” dagdag pa niya. “You can expect after two years a very strong Armed Forces. I will buy all the equipment.”

P1B PARA SA OFWs Kasabay nito, naglaan din ang Pangulo ng mahigit P1 bilyon para ayudahan ang mga overseas Filipino workers, sa layuning protektaha­n ang mga karapatan at kapakanan ng mga ito.

“They are our heroes…That is why to ensure that their rights are protected, I ordered the increase of our assistance to the OFW from P400 million to more than P1 billion,” sabi ni Duterte.

Inilunsad kamakailan ng Department of Labor and Employment ( DoLE) ang identifica­tion card system upang mapabilis ang access ng mga OFW sa mga serbisyo ng pamahalaan, bukod pa sa may pinaplanon­g OFW bank, na inaasahang mailulunsa­d ngayong taon.

NAT’L ID SYSTEM Inaasahan na rin ang nalalapit na pagpapatup­ad ng national identifica­tion system, makaraang bigyan ng go-signal ng Presidente ang proyekto sa paglalaan ng P2 bilyon para masimulan na ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang “biometrics-based national ID system.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines