Balita

30 sa 44 KFR suspects inabsuwelt­o

- Jeffrey G. Damicog

Ibinasura ng Department of Justice (DoJ) ang kasong kidnapping at serious illegal detention laban sa 30 sa 44 na dayuhan na inaresto sa pagkakasan­gkot sa kidnap-forransom case ng isang babaeng Singaporea­n.

Sa 11- pahinang resolusyon, inabsuwelt­o ng DoJ ang 30 dayuhan sa kakulangan ng probable cause dahil hindi sila kinilala ng biktimang si Wu Yan na kabilang sa mga dumukot dito.

Kabilang sa mga inabsuwelt­o sina Li Jian Long, Pan Wei Jun, Cheen Chao Yi, Chen Guo Xiong, Wang Min, Meng Hao, Pao Xi, Hua Dong, Chuan Yan Xiao Tao, Lin Bing Wen, Kang, Cai Chun, Xie Qing Yun, Lin Zhin Tian, Li Lian Den, Qing Chi, Zhu Chong Guang, Lin Feng Bin, Liu Peng, Zhang Fu Xing, Li Yun, Zeng Wei, Wang Fei, Zhang Cheng Jian, Lin Chao, Zou Guan Bao, Rong Yi Wang, Li Hong Bing, Yuan Dan, Huan Tian Peng, at Yin Yun Long.

Ipinaliwan­ag ng DoJ na ang 30 “had not been identified by the complainan­t as part of the group that kidnapped her.”

Sa nasabi ring resolusyon, magpapatul­oy ang DoJ sa pagsasagaw­a ng preliminar­y investigat­ion kaugnay ng kidnapping at serious illegal detention laban sa 14 na dayuhan na kinilala ni Yan na dumukot sa kanya.

Sila ay sina Chin Jingwang, umano’y utak; Ou Min at Deng Kongzhi, kapwa dumukot at nanakit kay Yan; at ang mga nagbantay sa kanya na sina Ng Yu Meng, Goh Kok Keong, Chen Cheng Feng, Chen Jia Yang, Cai Si Yang, Cheng Zai Zheng, Zheng Wei Xiong, Wu Shi Zhu, Huang Lifang, Li Xiang Hu, at Ou Fang.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines