Balita

1 pang inmate patay sa heat stroke

- Mary Ann Santiago

Isa pang detainee ang nasawi nang hindi makayanan ang labis na init sa siksikang selda ng Manila Police District (MPD) sa Ermita, Maynila kamakalawa.

Naisugod pa sa Ospital ng Maynila si June Agdeppa, 45, ng Bohol Street, sa Tondo, ngunit huli namatay din kalaunan.

Si Agdeppa ay nakakulong sa nabanggit na piitan simula noong Hunyo 13, 2017, dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa ulat ni SPO3 Jonathan Bautista, ng MPD- Crimes Against Persons Investigat­ion Section (CAPIS), nangyari ang insidente sa detention cell ng Drug Enforcemen­t Unit (DEU) ng MPD, na matatagpua­n sa MPD headquarte­rs sa United Nations Avenue, dakong 11:00 ng umaga.

Una rito, dumaing ang biktima ng pananakit ng dibdib at hirap sa paghinga.

Ipinaalam ni PO1 Paulo Levin Nerviza kay Police Senior Inspector Salvador Tandol ang kalagayan ng biktima at isinugod sa medical clinic ng MPD.

Pinayuhan umano sila ng mga doktor na huwag na munang ibalik sa loob ng selda si Agdeppa at sa halip ay panatilihi­n muna sa well-ventilated na lugar upang gumanda ang pakiramdam nito.

Sinunod ng mga pulis ang bilin ng doktor at pinagpahin­ga ang biktima sa labas ng detention cell.

Gayunman, lalong lumala ang lagay ni Agdeppa kaya nagpasya na ang mga pulis na isugod ito sa ospital ngunit nasawi rin.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines