Balita

MABUTING BALITA

- Sir 44:1, 10-15 ● Slm 132 ● Mt 13:16-17 [o Ex 16:1-5, 9-15 Slm 78 Mt 13:1-9]

Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Mapapalad ang inyong mga mata na nakakakita at ang inyong mga tainga na nakakarini­g.

“Sinasabi ko nga sa inyo na maraming propeta at mabubuting tao ang may gustong makita ang nakikita ninyo ngayon pero hindi nila nakita, at marinig ang inyong naririnig pero hindi nila narinig.” PAGSASADIW­A:

Mapapalad ang inyong mga mata na nakakakita at ang inyong mga tainga na nakakarini­g.— Mga simpleng tao lang ang mga alagad ni Jesus at hindi gaanong nakapag-aral ngunit sila ang unti-unting nakakita sa nahahayag na Kaharian ng Diyos sa mga tandang ginawa ni Jesus. Kasabay ng taimtim na pakikinig nila sa mga pangangara­l ni Jesus, malinaw nilang nauunawaan ang malalim na kahulugan ng pagkatao at pagka-Diyos ni Jesus. Nakakakita ang kanilang mga mata at nakakarini­g ang kanilang mga tainga sapagkat hinahanap nila ang liwanag at bukás ang kanilang isipan at puso na tumanggap sa Panginoong Jesus na siyang tunay na mukha ng Diyos. Sila nga ang tunay na mapalad at pinagpala.

Ang mga salita ng katotohana­n na ipinunla ni Jesus sa kanilang mga puso ay sumibol, nagkaroon ng buhay, tumubo, at lumago. Sa pakikiisa nila sa pagpapalag­anap ng Kaharian ng Diyos, sila ang pinagpala na makita ang pagbubunya­g ng Panginoon na kinasasabi­kang makita at marinig ng mga propeta. At dahil sila ang pinagpala, tatamasahi­n nila ang kaligayaha­n at kapayapaan ng pamumuhay ayon sa aral at pamamaraan ng Panginoon.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines