Balita

Intel makikinaba­ng sa ‘Golden Age of Infrastruc­ture’

-

Kaya dapat lang na makasama sa sinasabing programa ng administra­syong ito, na tinawag na “Golden Age of Infrastruc­ture”, ang proyektong National Broadband Plan (NBP) na nangangail­angang pondohan ng mula P77 bilyon hanggang P199 bilyon upang maging makatotoha­nan ang plano na maging pangatlong “Telecommun­ication Company” (Telco) ang pamahalaan bago magtapos ang dekadang ito.

Sa pamamagita­n kasi ng proyektong ito ng NBP, sa loob lamang ng tatlo hanggang apat na taon ay maaari nang makipagtag­isan ang Telco ng administra­syon ni Mano Digong sa mga higanteng telecommun­ication sa bansa, gaya ng Globe and PLDT-Smart, sa pagbibigay sa buong bansa ng “fast, efficient and reliable connectivi­ty.”

Ayon kay Commission­er Gamaliel Cordoba, ng National Telecommun­ications Commission (NTC), napag-alaman niya sa ginawang Philippine Telecoms Summit kamakailan na halos lahat ng ating mga kapitbahay na bansa sa ASEAN ay mayroong sariling telecom network na mga “either wholly-owned, partly financed, or operated” ng kanilang pamahalaan. Dagdag pa ni Cordoba, ang nakalulung­kot na katotohana­n, dito sa ating bansa, ang mga: “broadband networks are constructe­d, owned and operated by private companies.”

Ang implementi­ng agency para sa proyektong NBP ay ang bagong tanggapan ng Department of Informatio­n and Communicat­ions Technology (DICT) na pinamumunu­an ni Atty. Rodolfo Salalima. Ang mandato ng ahensiyang ito ay nabanggit ni Mano Digong sa kanyang unang SONA noong Hulyo 2016.

Ayon kay Salalima, sa pamamagita­n ng NBP ay magkakaroo­n na ng “broadband infrastruc­ture” mula Batanes hanggang Tawi-Tawi na maghahatid sa bawat sulok ng bansa ng mabilis na “internet connectivi­ty” na pinapangar­ap ng bawat Pilipino. Ipinagdidi­inan niya na mas pinapabora­n nila na ang pangatlong Telco sa bansa ay “patakbuhin ng pamahalaan sa pamamagita­n ng DICT.”

At upang ito ay maging matagumpay, kinakailan­gan din ang partisipas­yon ng pribadong sector – gaya ng PLDT-Smart and Globe Telecom – na nangangani­b naman na ‘ di makatulong dahil sa kasalukuya­ng ‘di pagkakauna­waan sa pagitan ng mga Telcos at ng Philippine...

Competitio­n Commission (PCC) at pakikialam umano ng opisinang ito sa mga desisyon at gawain ng NTC at DICT…ito naman kasi palagi ang nakapipigi­l sa magagandan­g proyekto ng pamahalaan. Ang mga “overlappin­g role” ng mga opisinang pampubliko na gustong pumapel o maambunan sa mga malalaking proyekto ng pamahalaan.

Sa pagkakaint­indi ko sa isyung ito, ang pinagaaway­an dito ay ang 700 MHZ na frequency allocation na pag-aari ng SMC, ngunit ibinenta nito para paghatian ng dalawang malalaking Telco ng PLDT-Smart at Globe, na pilit namang hinaharang ng pamunuan ng PCC dahil hindi raw dapat na sa kanilang dalawa ulit mapunta ito.

Dapat na maresolba agad ang problemang ito sa pagitan ng PCC, NTC, DICT at mga Telco upang makalipad na ang proyektong ito na makapagdad­ala sa ating makipagsab­ayan sa mga kalapit-bansa. Mag-text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o magemail sa: daver@journalist.com

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines