Balita

Matulog nang nakatayo

-

dahil sa pagkamatay kamakailan ng dalawang inmate o bilanggo sa isang detention cell ng Manila Police District (MPD) sa Malate. Heat stroke ang sinasabing sanhi ng kanilang kamatayan; siksikan sa naturang piitan at ang mga preso ay hindi na halos makagalaw; hindi malayo na sila ay dinadapuan ng iba’t ibang karamdaman.

Hindi ito ang unang pagbusisi ko sa masalimuot na isyu hinggil sa pagsisiksi­kan sa mga kulungan na umaabot na ngayon sa 511 porsiyento­ng higit sa maximum carrying capacity ng mga bilangguan. Ibig sabihin, ang 463 bilangguan sa buong bansa na nakalaan lamang para sa 20,746 inmates ay kinapipiit­an ngayon ng 126,946 preso. Mismong Commission on Audit (COA) ang nagpatunay ng paglobo ng bilang ng mga inmates sa mga bilangguan na pinamamaha­laan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Naniniwala rin ako na maging sa mga bilangguan na pinamamaha­laan naman ng Bureau of Correction­s (BuCor) ay may matindi ring problema sa pagsisiksi­kan ng mga preso. Ang New Bilibid Prison (NBP), halimbawa, ay lumampas na sa maximum carrying capacity dahil marahil sa pagdagsa ng mga nahahatula­n ng habambuhay na pagkabilan­ggo o life sentence na dapat ipiit sa NBP. Upang lumuwag ang naturang piitan, marapat lamang isaalang-alang ng mga awtoridad ang paglilipat ng ilang inmates sa mga penal colony na pinamamaha­laan din ng BuCor na matatagpua­n sa Davao, Palawan at sa iba pang isla sa Mindanao.

Totoo na ang pagdami ng mga bilanggo ay bunsod ng pagtaas ng bilang ng mga naaaresto kaugnay ng maigting na kampanya laban sa illegal drugs. Kailangan nilang manatiling nakakulong habang nililitis ang kanilang mga asunto. ...

Tumatagal ang kanilang pagkakabil­anggo dahil naman sa mabagal na pag-usad ng paglilitis, kakulangan ng mga hukom sa iba’t ibang panig ng kapuluan. Idagdag pa rito ang laging idinadahil­ang pagpapalib­an ng pagdinig sa mga kaso.

Sa kabila ng kanilang pagiging mga bilanggo, marapat din silang pagmalasak­itan sa pamamagita­n ng pagpapatay­o ng mga selda upang maiwasan ang kanilang pagsisiksi­kan. Dapat ding paigtingin ang tinatawag na good conduct time. Sa gayon, ang mga preso na nakapagmal­as ng mabuting pagkilos at paguugali habang nakabilang­go ay maaaring mapalaya lalo na kung napagsilbi­han na nila ang kanilang sentensiya.

Sa gayon, luluwag ang mga piitan at natitiyak ko na hindi magkakatot­oo ang pangamba na baka ang mga preso ay matulog nang nakatayo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines