Balita

Dave at Lindsay, bagong tween love team ng Siyete

- Ni NORA CALDERON

MAYbagong tween love team ang GMA Network, sina Lindsay de Vera at Dave Bornea.

Napansin agad ang chemistry ng dalawa sa una nilang pagtatamba­l sa Alyas

Robin Hood ni Dingdong Dantes. Ngayong magbabalik ang serye, magpapatul­oy ang characters ng love team nina Dave at Lindsay, kasama pa rin sina Andrea Torres, Paolo Contis, Jaclyn Jose,

Rob Moya at ang bagong kasama sa cast na sina Edu Manzano, Ruru

Madrid at Solenn Heussaff. Hindi kataka-taka kung bakit komportabl­e sa isa’t isa at close pa rin kahit ilang buwan nang natapos ang unang serye nila dahil matagal nang magkakilal­a sina Lindsay at Dave, bago pa man sila nagkasama sa Alyas Robin Hood. Natanong tuloy si Dave kung nanliligaw na siya kay Lindsay.

“Hindi po, friends lang kami,” sagot ng binatilyo. “Parang mahirap pong ligawan siya dahil ayaw kong masira ang friendship namin. Hindi po ba mahirap kung magkasama kayo sa isang project na boyfriend-girlfriend, ‘ tapos mag- aaway, makakasira po iyon sa trabaho namin. Pero mabait po si Lindsay, sweet siya at kilala ko na ang family niya. “Nag- o- open din siya sa akin kung may problema siya. Masaya nga po ako na ibinalik ang Alyas Robin Hood at muli kaming nagtambal ni Lindasy. Siguro po, I will wait for the right time, focus po muna ako sa career ko.”

Dating seminarian si Dave pero after three years sa loob ay lumabas at sa showbiz siya napunta. Cebuano pero sa Manila na mag-isang naniniraha­n si Dave dahil nasa Cebu ang kanyang pamilya.

Nang si Lindsay naman ang tanungin kung nanliligaw ba sa kanya si Dave...

“Pero three years na po kaming magkakilal­a at comfortabl­e ako sa kanyang kasama, bonding na namin ang taping, pero hindi pa po siya nanliligaw,” sagot ng dalagita. “Pero may good relations po siya sa family ko, he is there always if we need him. Kaya natuwa ako nang ituloy sa Alyas Robin Hood ang role ko bilang niece ni Kuya Dingdong. Kung sa unang ARH ay iyakin ako at kumukuha ng strength sa family ko, especially sa lola ko, si Tita Jaclyn(Jose), ngayon ako naman ang kinukunan ng strength ni Papa ( Gary Estrada) nang makidnap si Lola. Naging independen­t ako for my family.”

British ang dad ni Lindsay at FilipinaSp­anish ang mom, may two older brother siya. Naka-base sa Singapore ang dad niya na computer analyst. Kumukuha siya ng Culinary Arts ngayon na itutuloy pa rin niya kahit may soap siya.

 ?? Lindsay at Dave ??
Lindsay at Dave

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines