Balita

Ika-71 labas

- R.V. VILLANUEVA

MAGINGsi Ruding ay may isang kartong namumuro sa hawak niyang sampong karton. Sa ilan pang tundusan, sumigaw si Ruding: “Bingo!”

Pero hindi lang si Ruding ang sumigaw. May tatlo pa. “Bingo!”

Parang binagsakan ng kampanaryo­ng luma ang mukha ni Deth. Mahirap ilarawan ang lukot na pelisi ng kanyang noo at ang tumulis na ngusong animo dinapurak ng sama ng loob. Bagay na hindi nalingid kay Ruding. “Relaks lang, Deth,” ani Ruding, siyempre’y pabulong.

“Pa’no ngayon ‘yan?” Hindi na nakontrol ni Deth ang kanyang normal na boses “Pa’no ko babayaran ang nakuha sa ‘yong pera?” Ang hindi niya sinabi: Hindi ko naman maibibigay sa’yo kahit ‘tong naiwan mo sa’kin kaninang umaga dahil mawawalan ako ng pamasahe pauwi. “Naniningil ba ‘ko?” “Um, siguro… bukas, may pera na ‘ko.” Laking kasinungal­ingan ‘yan, Deth! Pa’no mo ‘yan lulusutan? Kung magkita kayo bukas, sa’n ka naman kukuha ng cash? Dali, mag-isip ka ng lusot.

“Ay, oo ng pala. Baka bukas, hindi ako makapagbin­go. “

“Bakit naman?”

“Kasi k-kuwan… kasi a-ano…” Bilis ng pag-iisip! “’Yon nga palang pera ko… hindi cash. Ibig kong sabihin… tseke.” Kailan pa sumusweldo ng tseke si Efren? Saka delikado ‘yang sinabi mo. Pa’no kung sabihin ng Ruding na ‘yan na papalitan niya ng cash tseke mo. Ulk!

“No problem. Di papahirami­n ulit kita.”

“E, kelan ko naman babayaran ang lahat? I mean, pati ‘yong uutangin ko pa?”

“E, di kung kalian ka magkapera o kung kalian mapalit ang tseke mo. A, basta kahit na kalian. “

“Um, hindi pa rin pala ako makakatiya­k kung darating ako dito bukas, Ruding. “

Kunot ang noo ni Ruding. “Bakit naman?”

Kung magkakasun­do kami ng mister ko, baka matiis kong hindi muna magbingo. Muna lang. “Baka nga pala may pupuntahan kami ng mister ko. Baka nga pala hindi mag-opisina ‘yon, bukas.”

May nabakas yata siyang lungkot sa mukha ni Ruding. “Um, kelan mo naiisip na magbibingo ka uli?”

“Pasens’ya ka na muna kung hindi ko maibigay sa’yo ‘yong mga inutang ko. “

“Wala ‘yon. H’wag mong intindihin ‘yon.” “Utang ‘yon, Ruding.” “Para sabihin ko sa’yo, Deth… ang ano mang magastos ko bilang bahagi ng pagliliban­g ko, hindi ko na iniisip na babalik pa. Ilang beses ko bang sasabihing matanda na ako? Ang pensiyon ko, na medyo malaki naman ay kailangan ko nang ubusin sa sarili. Higit sigurong masarap gastusin ang pera kung may kasama.”

Nang umuwi si Deth noong hapong iyon, binuo niya sa kanyang sarili, siguro’y titigilan na niya muna ang bingo. Kahit na pansamanta­la. Marahil ay lalo kung magkakaayo­s sila ni Efren.

Iniisip niya:

Una muna, darating siya ng bahay na naroon na si Efren. Siyempre, itatanong kung saan siya nanggaling. Pero hindi siya kikibo. Sisimangot pa nga siya. Pero siyempre pa’y malambing na simangot. Pero hindi sisimangot. Pero paano ba ang malambing na simangot? Pero hindi na papansinin ni Efren kung ano mang klaseng simangot mayroon siya. Sa halip, magso-sorry sa kanyaa si Efren. Siyempre, hindi muna siya bibigay. Di ba ang bagay na hindi pinaghirap­an ay malamang na hindi rin pinahahala­gahan.

Bago dumating sa kanila, nakita ni Deth sa kanyang relo na pasado alas sais na. Kung sa regular na uwi, matagal na sa kanilang bahay si Efren. Wala pa siyang sinaing. Wala pa ring lutong ulam. Itutuloy…

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines