Balita

Gretchen Ho, si Empoy ang ‘true love’

- Ni LITO T. MAÑAGO

NAG- POST ng photo sa kanyang official and verified Twitter account si Gretchen Ho na kuha sa kanila ng leading man ni Alessandra de Rossi sa box-office hit na Kita Kita na si Empoy Marquez habang kumakain sila ng ramen o noodles.

Epekto siyempre ito ng tagumpay ng pelikulang pinagbibid­ahan ng tinagurian­g ‘ silent superstars’ ( Alessandra at Empoy), at prodyus ng Spring Films nina Piolo Pascual, Direk Joyce Bernal at Erickson Raymundo (head ng Cornerston­e Talent Management).

Halaw ito sa isang eksena sa pelikula nina Alex at Empoy, na mas kilala na ngayon bilang AlEmpoy.

Sa halip na ang leading lady ng komedyante ang kasama sa photo, humalili si Gretchen habang sumusubo sila ng ramen o noodles.

Patok sa netizens ang ginawang ito ng dating girlfriend ni Robi Domingo ( teka, hindi pa ba nagkabalik­an, tugang na Dindo?) at ni Empoy.

( Nagkakabal­ikan, ayon sa latest report ni Jimi Escala. --Dino)

Hindi lang namin alam kung kasama ito sa programang Umagang Kayganda dahil hindi namin napanood ito o baka nagpakuha lang sina Gretchen at Empoy para sa isang photo op. Whatever it is, patok ito sa netizens. As we beat our deadline, around 12:32 ng hapon, humamig na ito 6,110 likes at mahigit 375 retweets.

Sa photo caption naman ng former volleyball superstar-cum-TV host sa Twitter, sabi lang niya, “I think... it’s True Love.”

At sinundan niya ito ng, “Hi good morning @ msderossi, chinita daw gusto niya.”

Fourth week na ngayong palabas sa mga sinehan Kita Kita pero humahataw parin sa takilya. Showing pa rin ito sa mahigit 100 cinemas nationwide.

As of press time, lumampas na ang movie sa P300M mark, at na-dislodge na nito ang historical film na Heneral Luna ni Dire Jerrold Tarog as the highest grossing indie film na humamig ng mahigit P250M plus in box-office receipts in 2015.

 ??  ??
 ??  ?? Gretchen at Empoy
Gretchen at Empoy

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines