Balita

Isa pang BoC official nagbitiw din

- Raymund F. Antonio at Leonel M. Abasola

Nagbitiw kahapon sa puwesto ang direktor ng Bureau of Customs (BoC) Intelligen­ce and Investigat­ion Service matapos masangkot sa P6.4bilyon shabu shipment at isyu ng panunuhol sa loob ng kawanihan.

Isinumite ni CIIS Director Neil Anthony Estrella, na namuno sa pagsalakay sa Valenzuela warehouse kung saan nasamsam ang 605 kilo ng shabu, ang kanyang resignatio­n letter sa Office of the President, bandang 10:00 ng umaga.

“It is with deep regret-not least because of the tremendous trust you have reposed in my position and because of the renewed support you have extended our leadership-that I write to resign as CIIS director,” saad sa liham ni Estrella kay Pangulong Duterte.

Sinabi ni Estrella, retiradong colonel, na hindi na niya magagampan­an ang kanyang responsibi­lidad matapos ang “unnecessar­y publicity” na iniugnay sa kanyang tanggapan sa gitna ng legislativ­e inquiries sa kabiguan ng BoC na masamsam ang drug shipment noong Mayo.

Si Estrella ang ikalawang opisyal na nagbitiw sa tungkulin, kasunod ng pagre-resign ni Import Assessment Services Director Milo Maestrecam­po.

Sina Estrella at Maestrecam­po ang tinukoy ng Customs broker na si Mark Taguba na mga opisyal ng BoC na tumanggap ng suhol mula sa kanya kapalit ng mas mabilis na shipment.

Pinabulaan­an naman ito nina Estrella at Maestrecam­po.

Kaugnay nito, tiwala si Senador Antonio Trilanes IV sa katapatan nina BoC Deputy Commission­er Gerry Gambala at Maestrecam­po, na kapwa mistah niya sa Philippine Military Academy (PMA) at kasapi ng grupong Magdalo.

Ngunit duda naman siya sa katauhan ni Faeldon na kahit tagasuport­a nila ay hindi naman nila kasamahan sa Magdalo.

Hindi dumalo si Faeldon sa huling dalawang pagdinig sa Senado at Kongreso dahil sa umano’y pagkakasak­it.

Muli namang iginiit ni Senador Richard Gordon na dapat na magbitiw na lang sa tungkulin si Faeldon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines