Balita

Contingenc­y plan sa mga Pinoy sa Guam, nakahanda na

PAG-ATAKE IDINETALYE NG NOKOR

- Ni ROY C. MABASA at ng AFP

Sakaling ituloy ng North Korea ang planong magpakawal­a ng apat na ballistic missile sa karagatan ng Guam, nakahanda ang Philippine Consulate General sa Agana na tumugon para matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga Pilipino na nagtatraba­ho at naniniraha­n sa nasabing teritoryo ng United States, tiniyak ng Department of Foreign Affairs kahapon.

“Our Consulate General has Contingenc­y Plans which are regularly updated,” saad sa pahayag ni DFA Spokespers­on Rob Bolivar. “These Contingenc­y Plans will enable the Consulate General to respond to emergencie­s in their area of jurisdicti­on, including coordinati­on with the host country and the Filipino community.”

Tinatayang 43,000 Pilipino ang kasalukuya­ng naniniraha­n sa Guam, na may 2,500 kilometro ang layo mula sa Pilipinas.

DETALYADON­G PLANO

Sinabi ng North Korea kahapon na ‘’bereft of reason’’ si US President Donald Trump at dapat lamang na sagutin ito ng puwersa, kasabay ng pagdedetal­ye sa bantang pag-atake sa Guam, ang teritoryo ng US sa Pacific.

Ginulat ni Trump nitong linggo ang mundo sa kanyang matapang na mensahe kay Kim Jong-Un, na haharap ang North Korea sa ‘’fire and fury like the world has never seen’’.

Gumanti ang Pyongyang sa pahayag na binabalak nitong patamaan ng apat na ballistic missiles ang Guam.

‘’Sound dialogue is not possible with such a guy bereft of reason and only absolute force can work on him,’’ iniulat ng official KCNA news service na sinabi ni General Kim Rak-Gyom ng Korean People’s Army (KPA) kahapon.

Ayon sa pahayag, makukumple­to ng KPA sa kalagitnaa­n ng Agosto ang plano para sa pag- atake, na kabibilang­an ng apat na rockets na dadaan sa Japan, partikular sa mga prefecture ng Shimane, Hiroshima at Koichi.

Lilipad ang mga missile ng 17 minuto at 45 segundo, sa layong 3,356.7 kilometro at babagsak sa dagat may 30 hanggang 40 km ang layo mula sa dalampasig­an ng Guam.

Sa western Pacific island nakabase ang ilang mahahalaga­ng assets ng US, kabilang ang long-range bombers, military jets at submarines, na regular na ipinapadal­a para magpakita ng puwersa malapit sa Korean peninsula, na ikinagagal­it ng Pyongyang.

Dalawang supersonic US bombers ang lumipad mula sa isla para sa fly-over mission sa Korean peninsula nitong linggo.

Sinabi ni Shin Jong-Wook, analyst sa Korea Defence and Security Forum, na pasok ang Guam sa range ng Hwasong-12 missile ng North, na pinasinaya­an ng Pyongyang sa military parade noong Abril.

 ?? AFP/JUNG YEON-JE ?? MALAPIT LANG Napasulyap ang isang sundalong South Korean sa palabas sa telebisyon na ipinakikit­a ang distansiya sa pagitan ng North Korea at Guam, sa isang railway station sa Seoul, nitong Miyerkules.
AFP/JUNG YEON-JE MALAPIT LANG Napasulyap ang isang sundalong South Korean sa palabas sa telebisyon na ipinakikit­a ang distansiya sa pagitan ng North Korea at Guam, sa isang railway station sa Seoul, nitong Miyerkules.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines