Balita

Isang napakaposi­tibong ASEAN joint communiqué

-

MARAMI ang nakukulang­an sa joint communiqué ng mga foreign minister ng Associatio­n of Southeast Asian Nations (ASEAN) tungkol sa agawan sa teritoryo sa South China Sea.

Walang nabanggit na anuman tungkol sa desisyon noong nakaraang taon ng Permanent Court of Arbitratio­n sa Hague sa UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na nagbasura sa iginigiit na soberanya ng China sa halos buong South China Sea. Simula nang angkinin, nakapagtay­o na ang China ng mga installati­on, kabilang ang mga runway, sa ilang isla at maliliit na isla na inaangkin din ng Pilipinas, Vietnam, Malaysia, at Brunei.

May nabanggit sa ASEAN communiqué tungkol sa panukalang Code of Conduct (COC) sa South China Sea, na layuning mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon sa pamamagita­n ng pag-iwas na gumawa ng anumang hakbangin na makapagpap­alala sa alitan. Subalit wala pang COC. Ang pinagkasun­duan ng mga ASEAN minister at ng China ay ang pagpapatib­ay ng balangkas na makatutulo­ng sa kanila upang masimulan na ang mahalagang negosasyon sa mga aktuwal na probisyon ng COC. Ngunit maging ang babalangka­sing Code of Conduct na ito, giit ng China, ay hindi dapat na legal na nakapagbub­uklod.

Sa sarili nilang joint communiqué, pinuna ng mga foreign minister ng Amerika, Japan, at Australia ang “land reclamatio­n, constructi­on of outposts, militariza­tion of disputed features” — na pawang tumutukoy sa mga huling aktibidad ng China sa South China Sea na una nang iprinotest­a ng iba pang mga bansang umaangkin din sa mga isla at itinuturin­g ng Amerika na banta sa malayang paglalayag.

Napaulat na nais ng Vietnam ng mas agresibong ASEAN communiqué sa pagtatapos ng kanilang pulong sa Maynila ngayong linggo, ngunit pinili ng iba pang bansa sa ASEAN, partikular ang Cambodia, ng hindi nagkukumpr­ontang paninindig­an laban sa China.

Ito rin ang paninindig­an ng Pilipinas sa ilalim ni Pangulong Duterte, chairman ng ASEAN sa ika-50 anibersary­o nito ngayong taon. Binigyang-diin ng Pilipinas na naninindig­an tayo sa desisyon ng Arbitral Court laban sa pag-angkin ng China sa South China Sea, ngunit hindi ito ang tamang panahon upang hamunin ang China.

Mistulang ito rin ang pananaw ng iba pang bansang ASEAN, kaya naman napakaposi­tibo ng joint communiqué na inaprubaha­n ng mga foreign minister nitong Sabado. Tunay na kulang sa maraming aspeto ang pinag-isang pahayag, ngunit natitiyak nating sa tamang panahon ay maisasaayo­s ang lahat.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines