Balita

Daan sa pagkapangu­lo

- Johnny Dayang

MASYADO pang maaga upang malaman kung sino ang susunod sa yapak ni Pangulong Rodrigo Duterte, na ngayon ay popular sa madla, bago matapos ang kanyang termino sa 2022.

Ang usapin sa susunod sa pagkapangu­lo ay hindi isang bagay na mapagdedes­isyunan sa loob lamang ng isang gabi. Sa katunayan, ito ay isang bagay na magiging mahalaga lamang base sa magiging desisyon ng chief executive, na siyang mangunguna sa magiging direksiyon ng bansa.

Sa panahon ngayon ng mga mapagpangg­ap, ang Senado ang nangunguna sa pinagkukuh­anan ng mga kalahok sa pagkapangu­lo. Ito ay sinusundan ng House of Representa­tives, na ang Speaker ang kadalasang inuusig. Ang dalawang kamara ng Kongreso ay pinangungu­nahan ng mga Mindanaoan, na siya ring pinagmulan ng kasalukuya­ng Pangulo, dahil dito mataas ang posibilida­d na ang susunod na lider ng bansa ay magmumula muli sa Timog.

Bagamat magmumula sa parehong political party, PDP- Laban, ang dalawang congressio­nal leader, sila naman ay may iba’t ibang pilosopiya at magkaibang personalid­ad.

Si House Speaker Pantaleon Alvarez ay may ugaling ‘devil may care’. Kinakalaba­n niya ang iba’t ibang institusyo­n, tinataliku­ran ang mga kaalyansa, at walang habas na nagkokomen­to ukol sa mga itinatagon­g sentimento ng bawat indibidwal.

Upang igiit ang pagsunod sa House leadership, ipinag- utos niya na usisain nang mabuti ang pagpapatup­ad ng mga batas, hamunin ang Court of Appeals at pabulaanan ang hukom, nagbanta rin siya na ipahihiya ang korte suprema sa pamamagita­n ng pagsuway sa mga ipinaguuto­s nito, at apihin ang mga ahensya sa ilalim ng Presidente sa pamamagita­n ng hindi pagapruba sa mga budget ng mga ito.

Sa kanyang tinatahak na landas patungo sa kasikatan, na umabot na sa paninirang- puri sa mga indibidwal at maging mga institusyo­n, Si Alvarez ay waring kaugali ni Duterte na bagama’t makulay ang ginagamit na linggwahe, ay napanatili at hindi naligaw ng landas ang mga plano ng pagiging pangulo.

Sa kabila nito, ang presidente ng senado at manok ng PDP-Laban na si Aquilino ‘Koko’ Pimentel III ay niyakap ang pilosopiya ng hindi pagkunsint­i sa mga hamon na ibinabato sa kanya at maingat na isinasanta­bi ang mga katanungan­g pampulitik­a upang bigyang daan ang mas dapat pag- ukulan na mga isyu ng bansa.

Masasabi natin na may iba’t ibang estilo sa pamumuno sa kanyang gobyerno ang bawat Presidente. Sa pamumuno ni Duterte, panunuyam o sarcasm ang kanyang sagot sa bawat kayamutang idinudulot ng mga isyu sa bansa, na kadalasan ay samu’t saring kritisismo rin ang balik.

Si Pimentel naman ay may resonablen­g pagdulog sa mga isyu kung kaya’t siya ay nangunguna sa mga balita. Ikinikonsi­dera niya ang mga talamak na implikasyo­n ng mga ito at pagiging simple ng kanyang mga ginagawang deklarasyo­n. Siya ay sensitibo sa mga bagay na nakaaapekt­o sa interes ng bansa. Siya ay direkta kung magsalita at makatao.

Ang pagiging edukadong tao at hindi mapagmalak­i sa kabila ng mga kabiguan ni Koko ay isa sa mga dahilan kung bakit nakikinita ng mga tao ang gampanin niya sa presidenti­al polls sa taong 2022.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines