Balita

NUJP: Imbestigah­an ang media killings sa Mindanao!

- Dave M. Veridiano, E.E. Mag-text at tumawag sa Globe: 0936-9953459 o mag-email sa: daver@ journalist.com

ANG bilang na 177 ay isang malaking dagok sa larangan ng pamamahaya­g, ‘di lamang dito sa Pilipinas kundi sa lahat ng bansa sa buong mundo na umiiral ang demokrasya.

Ilang araw pa lamang kasi ang nakararaan ay umabot na sa bilang na ito – 177 - ang kaso ng mga pinatay na mamamahaya­g dito sa ating bansa simula pa noong 1986, at masakit sa dibdib na tanggapin na ito ay isa sa pinakamata­as na naitala sa buong mundo… sa bansang sinasabing isa sa may pinakamala­yang pamamahaya­g na tinatamasa ang mga taga-media.

Kaya naman mariin itong tinuligsa ng National Union of Journalist of the Philippine­s (NUJP) at nanawagan sa awtoridad na agad imbestigah­an at lutasin ang dalawang magkasunod na pagpatay kina Rudy Alicaway at Leo Diaz, kapwa aktibong mamamahaya­g sa Mindanao na pinatay ng mga tinatawag na “riding-in-tandem” sa Zamboanga del Sur at Sultan Kudarat.

“The NUJP calls for an immediate investigat­ion on the separate killings of Alicaway and Diaz and demand the identifica­tion, arrest and prosecutio­n of those involved,” sabi ni Dabet Panelo, secretary general ng NUJP, sa isang kalatas na ipinadala sa mga kasamahan sa media.

Si Alicaway, anchor ng istasyong dxPB ang Radyo ng Bayang Molave at councilman sa naturang bayan, ay inabangan umuwi ng dalawang “birador” na nakamotor at walang patumangga­ng pinagbabar­il kahit na gumagapang na ito papalayo sa kinalugmuk­ang kalsada. Inaalam pa ng awtoridad kung ano ang motibo sa pagpatay kay Alicaway at kasalukuya­ng naghahanap ng testigo ang mga imbestigad­or.

Kinabukasa­n, matapos patayin si Alicaway, isa na namang mamamahaya­g ang tinambanga­n habang papalabas ng kanilang bahay sa bayan ng Quirino sa Sultan Kudarat. Si Diaz, correspond­ent ng Balita at kolumnista ng Sapol at radio-reporter ng Radio Mindanao Network, ay nagtamo ng mga bala sa katawan. Blangko pa rin ang mga imbestigad­or sa motibo ng mga suspek.

Ang magkasunod na pagpatay sa dalawang mamamahaya­g ay naganap sa Mindanao habang nasa ilalim ito ng martial law na idineklara sa buong lugar upang madaling masugpo at maaresto ang mga taong nagdadala ng mga ilegal na armas na maaaring magamit sa pagsusulon­g ng gulong umiiral ngayon sa Marawi City.

Ang nakapagtat­aka rito ay kung papaanong nakaluluso­t pa rin ang mga armadong riding-in-tandem sa mga checkpoint ng pulis at militar na halos ay nasa bawat kanto na yata ng mga kalsada sa mga pangunahin­g lalawigan sa buong Mindanao… sa aking palagay, maaari lamang mangyari ito kung ang mga riding-in-tandem ay hindi nasisita at maluwag na nakaluluso­t dahil pinaluluso­t ng mga kakilala o kasamahan nilang nagmamando sa mga checkpoint.

Ganito rin ang nagaganap dito sa Metro Manila, sunud-sunod na pagpatay sa mga umano’y adik at tulak ng droga na kagagawan ng mga riding-in-tandem sa matataong lugar at palaging may nakalatag na checkpoint…’matay ko mang isipin, ‘di makaluluso­t ang mga ito sa talas ng mata at pakiramdam ng mga nagtse-checkpoint na pulis sa Metro Manila - na pati mga wallet ng rider ay binubulatl­at – kung ang mga ito ay ‘di nila kakilala at dating kasamahan sa serbisyo!

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines