Balita

MABUTING BALITA

-

Dt 4:32-40 ● Slm 77 ● Mt 16:24-28

Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Kung may ibig sumunod sa akin, itakwil ang kanyang sarili at kunin ang kanyang krus para sumunod sa akin. Sapagkat ang naghahanga­d na magligtas ng kanyang sarili ang mawawalan nito ngunit ang naghahanga­d na mawalan nito ang makakatagp­o nito. Ano ang pakinabang ng tao tubuin man niya ang buong daigdig kung sarili naman niya ang mawala? Sa ano maipagpapa­lit ng tao ang kanyang sarili?

“Darating nga ang Anak ng Tao taglay ang kaluwalhat­ian ng kanyang Ama at kasama rin ang kanyang mga banal na anghel, at doon niya gagantimpa­laan ang bawat isa ayon sa kanyang mga gawa. Totoong sinasabi ko sa inyo na makikita ng ilan sa inyo ang Anak ng Tao na dumarating bilang Hari, bago sila mamatay.”

PAGSASADIW­A:

Kunin ang kanyang krus para sumunod sa akin.— May mga taong nagrerekla­mo na mabigat ang krus. Hindi raw nila kayang pasanin ang krus ng Panginoon. Isang bagay ang dapat linawin. Hindi naman krus ni Kristo ang ipinapapas­an sa atin kundi ang ating sari-sariling krus. Maliwanag iyon sa ebanghelyo. Sabi ni Jesus, “kunin ang kanyang krus” ( b 24), hindi ang “aking krus.”

Wala nga tayong karapatang magreklamo o magsabing mabigat ang pasanin. Ang ibinibigay na krus ni Jesus ay kayang-kaya natin. Ito ay tulad ng damit na tama ang sukat. Ganoon ang kanyang pamatok na ibinibigay sa atin. Hindi labis sa ating kakayahan at hindi rin kulang. Huwag na tayong masindak sa mabigat na krus ng Panginoon. Hindi atin iyon. Siya lang ang maaaring pumasan niyan para sa ating kaligtasan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines