Balita

‘Alyas Robin Hood 2,' maraming pasabog

- Ni NORA CALDERON

KINAILANGA­N nang iwanan ni Direk Dominic Zapata ang Mulawin vs Ravena na idinidireh­e nila ni Don Michael Perez dahil sa malalaking eksenang ginagawa at kailangang niyang tutukan sa nagbabalik na Alyas Robin Hood.

Alam naman daw niya na kayang-kaya ni Direk Don ang project lalo’t sinamahan naman ito ni Direk Aya Topacio (kapatid ng yumaong Soxy Topacio).

“Kailangan ko, kasama ang buong production staff ng Alyas Robin Hood 2 ( ARH2) ang magbuo ng mas magagandan­g eksena, mas explosive kaysa unang napanood ng mga televiewer­s,” sabi ni Direk Dom nang makapanaya­m namin sa grand launch ng serye nitong nakaraang Miyerkules ng gabi.

“Sabi nga, kung iyon at iyon pa rin ang mga eksenang mapapanood, baka magsawa na sila at iwanan kami. Kaya ngayon pa lang, ayaw ko mang magmalaki, tiyak na magugustuh­an ninyo ang mapapanood ninyo. Isa na rito ang pumayag ang management na mag-rent kami Amira cameras sa Arri, kaya kung napansin ninyo ang full trailer namin, napakalina­w at maganda ang angles ng shot. Medyo mabigat ang camera pero nasasanay na rin ang cameramen namin. Dalawa ang nirerentah­an naming kamera.”

Isa sa mga pasabog din sa grand presscon ang pagpasok ni Dingdong Dantes sa loob ng Le Reve Events Place na sakay ng motorsiklo­ng gamit niya sa actiondram­a series. Ayon kay Direk Dom, nalaman niya kay Ryan Agoncillo na four stages ang husay sa paggamit ng motor. Nasa level 3 si Ryan at si Dingdong naman ay umabot na sa level 4, kaya sa serye ay mapapanood siya na gumagamit ng levels 1 to 4. Excited na si Direk Dom na mapanood ng televiewer­s ang mga eksenang ginawa nila, kaya hindi siya nakatiis na i-preempt na sa mga kaharap niyang entertainm­ent press kung ano ang mangyayari sa pilot week. “Hindi pa kasi tapos ang pilot week namin (sa Monday August 14), at iyon ang pinaghahan­daan namin. Kayo rin, huwag ninyong miss kung ano ang pasabog naming ‘yon sa pilot week, gabigabi, tiyak na hahawak kayo sa upuan ninyo,” natawang sabi ni Direk Dom. “Sa Lunes na namin kukunan ang eksenang sinasabi ko sa inyo at ewan kung matatapos namin ang eksenang iyon sa isang araw lamang.” Hindi namin ipi-preempt an ang kuwento ni Direk Dom, abangan na lamang ninyo pero kami man ay na-excite sa kuwento niya, at tiyak kayang-kaya namang magparachu­te ng female character na gagawa nito. Kasama pa rin ni Dingdong sa cast ang mga nakasama niya sa first season na sina Jaclyn Jose, Andrea Torres, Paolo Contis, Rey Abellana, Gary Estrada, Rob Moya, Dave Bornea,Borne Lindsay de Vera, Gio Alvarez,Alvar Antonette Garcia (Frida), Luri Nalu(Jun Jun) at bagong salta naman sina Ruru Madrid, Jay Manallo, KC Montero, Solenn Heusaff Edu Manzano.

 ??  ?? Andrea at Dingdong
Andrea at Dingdong

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines