Balita

Arnold Clavio, ‘di makikigulo sa pulitika

- Ni JIMI ESCALA

NOONG nakaraang local elections ay marami sa mga kababayan babayan namin sa Tondo ang nag-udyok-udyok sa veteran newscaster na si Arnold Clavio na tumakbo bilang congressma­n.

Pero kahit may mga nagpahayag pahayag ng suporta ay hindi kinagataga­t ng pambato ng GMA Network work ang pangungumb­insi sa kanya. ya. Katwiran ng premyadong g broadcaste­r, hindi pa napapanaho­n at wala pa sa bokabulary­o niya ang pagpasok sa pulitika.

This early ay meron na namang mga grupong nais kumumbinsi kay Igan, pero mukhang mabibigo na naman sila. Madalas naming napapaking­gan sa kanyang programang Dobol A sa Dobol B kasama si Ali Sotto na wala siyang interes na makigulo sa pulitika.

Sa totoo lang, super busy ang kapwa namin taga- Tondo sa kanyang mga programa sa TV at sa radio. Isa siya sa main hosts ng Unang Hirit, main anchor sa late night news program na Saksi at meron pang once a week na Tonight With Arnold Clavio. Pinagkakaa­balahang din ni Arnold Clavio ang kany kanyang iGan Foundation na tumutulong sa mga batang may sakit at ang kababayan nating dinapuan n ng diabetes. Nang maglunsad ka kamakailan ng kanyang librong Iskets Iskets, Piktyur at Tula ay nagpapasal­am nagpapasal­amat si Arnold sa lahat ng mga sumusuport­a sa kan kanyang foundation. “Siyempre, n nagpapasal­amat tayo sa Panginoon sa loob ng 30 years na paglilingk­od ko sa propesyong ito. Kumbaga, ‘ yung talento na ibinigay . niya sa akin,N eh, sobra talaga,” sey pa ni Igan. Aniya pa, lahat ay binigyan ng Panginoon ng kanya-kanyang talento at regalo. At nararapat lang na tuklasin at pagyamanin natin ito. “Tuklasin natin para sa pagpuri sa Kanya. Kapag gumagawa ako ng sketch at tula, gumagaan ang pakiramdam ko, parang andun ‘yung biyaya kasi ibinabalik ko sa Kanya, hindi mo sinasayang ‘yung ibinigay niyang talent,” seryosong lahad ni Arnold.

 ??  ?? Arnold
Arnold

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines