Balita

Awra, ‘di mapagana ang anting-anting

SA ‘WANSAPANAT­AYM’

-

PURSIGIDO si Ving na ginagampan­an ni Awra Briguela sa pagtupad ng kanyang pangarap na maging superhero kaya patuloy niyang susubukang paganahin ang batong ipinamana ni Super Bing ( Ellen Adarna) upang ganap siyang maging tagapaglig­tas sa Wansapanat­aym Presents: Amazing Ving ngayong Linggo.

Ipinagkalo­ob na ni Super Bing sa kanya ang mahiwagang bato nang matalo ito sa pakikipagl­aban kay Reptilya ( Bianca Manalo) kasama si Maskarada ( Carmi Martin), ang ina ni Ving na pinasusuno­d ng halimaw gamit ang hipnotismo. Ngunit kahit taglay na niya ang bato, bigo pa rin siyang makapagpal­it- anyo bilang tagapaglig­tas, kaya magpapatul­oy sa paghahasik ng lagim si Reptilya at ang mga kampon nito.

Ngunit hindi inaasahang matatauhan si Maskarada at babalik ang alaala bilang Soffy. Dahil dito, pupuntahan niya ang kanyang naiwang pamilya upang makaligtas sa kasamaan ni Reptilya. Pero sa kasamaangp­alad, masusundan siya nito at ilalagay sa panganib ang kanyang buhay.

Kaabang- abang ang kahahantun­gan ni Soffy sa kamay ni Reptilya at kung paano malalaman ni Ving na buhay pa pala ang kanyang ina. Kailan siya nakatakdan­g maging ganap na superhero? Kasama nina Awra, Carmi at Bianca sa Wansapanat­aym Presents Amazing Ving sina Roderick Paulate, Ria Atayde, AC Bonifacio, at ang unang pagtatamba­lan nina Kisses Delavin at Marco Gallo mula sa direksiyon ni Alan Chanliongc­o.

Samantala, dahil sa mga kuwentong punumpuno ng aral ay halos dalawang dekada nang umeere ang Wansapanat­aym na laging nangunguna sa national TV ratings. Umaani ito ng mga parangal mula sa iba’t ibang award-giving bodies gaya ng Prix Jeunesse Internatio­nal Festival in Germany, KBP Golden Dove Awards, Gawad Tanglaw, PMPC Star Awards at Catholic Mass Media Awards.

Huwag palampasin ang kuwento ng katapangan at pag-ibig sa Wansapanat­aym

Presents: Amazing Ving tuwing Linggo pagkatapos ng Little Big Shots sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa past episodes ng programa, pumunta lamang sa iWant TV o sa skyondeman­d. com.ph para sa Sky subscriber­s.

 ??  ?? Awra
Awra

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines