Balita

Glen Campbell, pumanaw na

-

NASHVILLE ( Reuters) – Pumanaw na nitong Martes ang singer-guitarist na si Glen Campbell, ang

Rhinestone Cowboy na nagfarewel­l tour para tugtugin ang kanyang mga pinasikat na awiting Wichita Lineman at Gentle on My Mind bago pa agawin ng Alzheimer’s disease ang kanyang talento. Siya ay 81.

Si Campbell ay namatay sa isang Alzheimer’s facility sa Nashville habang kapiling ang kanyang pamilya, pahayag ng kanyang publicist na si Sanford Brokaw.

“It is with the heaviest of hearts that we announce the passing of our beloved husband, father, grandfathe­r, and legendary singer and guitarist, Glen Travis Campbell, at the age of 81, following his long and courageous battle with Alzheimer’s disease,” saad pahayag ng pamilya na ipinaskil sa official website ng singer.

Ipinahayag ni Campbell noong Hunyo 2011 na mayroon siyang Alzheimer’s. Kasunod nito ay sinimulan ng Gentle on My Mind singer ang nationwide farewell tour na nagtapos noong Nobyembre 2012.

Sinimulan ni Campbell ang kanyang karera bilang tinitingal­ang recording session guitarist sa Los Angeles bago naging fixture sa U.S. music charts, radyo at telebisyon noong 1960s at ‘70s. Nanalo siya ng anim na Grammy Awards at nagkaroon ng siyam na No. 1 songs sa mahigit 50 taong career.

Inilabas niya ang kanyang huling studio album noong Hunyo 2017, ang Adios, na inirekord pagkatapos ng kanyang tour.

Ang tour ay sinundan sa isang dokumentar­yo na inilabas noong 2015 ng CNN, ang Glen Campbell:

I’ll Be Me, na madamdamin­g ipinakita ang paghihirap na dulot ng kanyang karamdaman. Ang kanyang awiting I’m Not Going to Miss You mula sa soundtrack ng pelikula ay nanalo ng Grammy Award for best country song.

Sa pagkamatay niya nitong Martes, bumaha ang tributes mula sa country music stars.

Pinasalama­tan ni Brad Paisley si Campbell sa Twitter, “for the artistry, grace & class you brought to country music. You were a shining light in so many ways.”

Naglabas si Dolly Parton ng maikling tribute video at nag-tweet na si Campbell, “was one of the greatest voices of all time. I will always love you, Glen!”

Sa kanyang huling tour, kasama ni Campbell ang tatlo sa kanyang walong anak na tumugtog bilang kanyang back-up at nagbigay ng emotional support. Kitang-kita sa tour ang pagkakaroo­n niya ng problema sa memorya, kung minsan ay nakakalimu­tan sa panayam na mayroon siyang Alzheimer’s. Bagamat nakakalimu­tan niya paminsan-minsan ang lyrics o nahihirapa­n sa kanyang pagtipa sa gitara, sinabi ng mga kritiko na nagpamalas pa rin siya ng flashes of brilliance.

“His fingers are still able to float over his guitar neck with a fluid ease and his voice can hit notes that lesser vocalists... can barely brush against,” saad ng isang Los Angeles Times critic tungkol sa kanyang June 2012 performanc­e.

Noong 2010 nagsimulan­g magkaprobl­ema si Campbell sa pag- aalala ng lyrics o guitar licks. Nasuri siyang may Alzheimer’s nang taon ding iyon sa edad na 75 at ibinunyag ito sa panayam ng

People magazine noong Hulyo 2011.

“Glen is still an awesome guitar player and singer,” sabi ng asawa niyang si Kim Woollen, sa People. “But if he flubs a lyric or gets confused onstage, I wouldn’t want people to think, ‘What’s the matter with him? Is he drunk?’”

Si Campbell ay isa sa 12 anak ng dalawang sharecropp­ers sa southweste­rn Arkansas. Sa murang gulang ay tumugtog siya ng gitara sa banda ng kanyang tiyuhin. Pagkaraan ng maagang pagpakasal at diborsiyo, muli siyang nag-asawa at nagtungo sa Los Angeles noong 1950s. Doon ay naging bahagi siya ng Wrecking

Crew, isang grupo ng mga tinitingal­ang session players na nagrekord kasama sina Elvis Presley,

Frank Sinatra, Dean Martin, ng Monkees at ni Nat King Cole. Naging touring member din si Campbell ng Beach Boys, bilang kapalit ni Brian

Wilson, na ayaw pumunta sa ibang bansa. Nang mag-solo ay naging breakthrou­gh hit niya ang Gentle on My Mind noong 1967, na kaagad niyang sinundan ng break-up song na

By the Time I Get to Phoenix at Wichita Lineman na awitin tungkol sa kalungkuta­n na ayon kay Campbell ay paborito niya at isa sa kanyang maraming collaborat­ions sa songwriter na si Jimmy Webb. Ang recordings ng Phoenix at Gentle on My Mind ang nagbigay sa kanya ng limang Grammy Awards at ang mula sa maliit na bayan ng Delight, Arkansas ay naging much-sought superstar siya. Nagbida siya kasama si John Wayne sa 1969 film na True Grit at nasungkit ang Oscar nomination sa pag-awit ng theme song ng pelikula.

Nagkaroon din siya ng palabas sa telebisyon, ang The Glen Campbell Goodtime Hour variety show, na tumagal ng tatlong taon.

Kabilang sa mga sumikat na awitin niya kalaunan ang Galveston, Dreams of the Everyday Housewife at ang higanteng pop-crossover song na

Rhinestone Cowboy tungkol sa pagsusumik­ap na makilala sa industriya ng musika. Inawit niya ang

Rhinestone Cowboy sa 2012 Grammy ceremony, nang ginawaran siya ng lifetime achievemen­t award.

Nang magsimulan­g tumamlay ang kanyang karera noong 1990s, itinuon ni Campbell ang panahon sa pagtatangh­al sa kanyang teatro sa country music resort town ng Branson, Missouri, at sa paglalaro ng golf na paborito niya.

 ??  ?? Glen
Glen

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines