Balita

43,770 kaso ng dengue, naitala ng DoH sa unang kalahati ng taon

-

NAKAPAGTAL­A na ang The Department of Health (DoH) ng 43,770 kaso ng dengue fever sa buong bansa sa unang kalahati ng taon.

Ayon sa pinakabago­ng Dengue Disease Surveillan­ce Report, na saklaw simula Enero 1 hanggang Hulyo 1, mas mababa ng 36.8 porsiyento ang naitala kumpara sa 69,297 kasong naitala noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.

Sa 43,770 kaso, 250 ang naitalang namatay, 84 kaso ang nabawas kumpara sa 334 na kaso ng pagkamatay sa kaparehong panahon noong 2016.

Ang malaking porsiyento ng kasong naitala ay mula sa Central Visayas (6,281); National Capital Region ( NCR) ( 5,567); Central Luzon (5,147); Calabarzon (5,007); at Soccsksarg­en (4,861).

Nanguna ang Cebu sa mga probinsiya na mayroong 11 porsiyento, sinundan ng South Cotabato na may 6.3% bahagdan, at ang Pampanga na may 4.6 porsyento.

Lahat ng rehiyon, maliban sa Metro Manila, ay nagpakita ng pababang trend kumpara noong nakaraang taon. Tumaas naman ang kaso ng NCR ng 24.9 porsiyento kumpara sa 4,457 kaso noong nakaraang taon.

Dahil dito, muling nanawagan ang DoH sa mga lokal na pamahalaan na paigtingin ang kampanyang Aksyon Barangay Kontra Dengue at ang 4S campaign -- to Search and destroy mosquito breeding places; use Self- protection measures; Seek early consultati­on for fevers lasting more than two days; and Say yes to fogging when there is an impending outbreak.

“Dengue prevention should start from each and everyone. Make 4S a habit and participat­e in the Aksyon Barangay Kontra

Dengue activities in our community. Together, let us fight and eliminate denguecarr­ying mosquitoes and protect our families, friends, and loved ones against dengue,” ani Health Secretary Dr. Paulyn Ubial.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines