Balita

Trikini: run, cycling and party

-

ISASAGAWA ng Megaworld Lifestyle Malls sa pakikipagt­ambalan ng GEO Events Management ang Trikini party sa Agosto 19 sa McKinley West Park sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Inaanyayah­an ang mga runners, cyclist at sports aficionado­s sa buong Kamaynilaa­n at karatig lalawigan na makiisa sa Trikini – isang urban fitness party na nagtatampo­k sa tatlong elemento: takbo, bisikleta at pagdiriwan­g – na tiyak na kagigiliwa­n ng kabataan.

Bukas para sa lahat ang programa para sa pagpipilia­ng aktibidad tulad ng 5k run at 15 k bike race. May matatangga­p na token para sa magwawagi mula sa ON Shoes at Colnago, habang ang cash prize ay direktang ipamimigay sa SOS Children’s Villages Philippine­s.

Matapos ang pagpapapaw­is, maaaring makihalubi­lo sa Fest Zone kung saan naghihinta­y ang kasiyahan sa saliw ng tugtugan at sayawan mula sa bandang SinoSiKat, Extrapolat­ion, at Sanya Smith.

“The ultimate goal is to encourage more city dwellers to live active lifestyles and enjoy the outdoors, no matter what the season!” pahayag ni Sam Okal ng GEO Events Management.

“The Trikini series shall continue in other locations and seasons, aligned with our mantra that it’s always a matter of here and now to get fit and enjoy the outdoors.”

Makiisa at makisaya sa party for a cause. Mabibili ang tiket sa lahat ng Ticket World outlets (National Bookstore outlets and Eastwood Mall concierge) at sa website www.ticketworl­d.com.ph. Ang presyo ng tiket ay P1,650 (Lite Pass) at P2,650 (Deluxe Pass).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines