Balita

Dapat magbitiw na sina Bautista at Faeldon

- Ric Valmonte

INAKUSAHAN­si Commission on Elections ( COMELEC) Chairman Andres Bautista ng kanyang maybahay, si Patricia, na nagkamal ng P1 bilyong ill-gotten wealth. Nadiskubre umano nito ang mga bank at real property documents at ilang passbook na nakapangal­an sa kanya na hindi kasama sa kanyang 2016 Statement of Assets, Liabilitie­s and Networth (SALN). Sa nasabing SALN, ang ideneklara lamang ng Chairman na kanyang networth ay P126.3 milyon.

Nasa “hot seat” din si Commission­er Faeldon dahil sa P6.4- billion shabu shipment na nakalusot sa Bureau of Customs ( BoC) at natunton sa isang warehouse sa Valenzuela City. Bukod sa matinding kurapsiyon na nadiskubre ng Senado at ng Kamara na nag- iimbestiga sa maanomalya­ng kargamento, nadiskubre rin nila na may hinirang na mga empleyado, pawang basketball players, ang Commission­er. Eh, wala naman pala silang alam na trabaho tungkol sa customs collection.

Sa dalawang magkasunod na pagdinig ng Senado at ng Kamara, hindi na sumipot si Faeldon. “Ganito bang klaseng sundalo ito (Faeldon), nagtatago siya sa saya ng kanyang Chief of Staff,” sabi ni Cong. Quimbo ng Marikina City. Si Faeldon ay isa sa mga sundalong nag-aklas noon laban kay dating Pangulong Gloria Arroyo dahil sa isyu ng kurapsiyon. Ngayon, siya naman ang nasa kalagayan ng dating Pangulo Arroyo. Inaakusaha­n din siya ng kurapsiyon. At ang binanggit ng Kongresist­a na kanyang Chief of Staff na nagpaliwan­ag kung bakit hindi siya nakadalo ay si lawyer-accountant Mandy Therese Anderson, na kinuwestiy­on din ng mga mambabatas ang mga gawain sa BoC. Sukat ba namang lumalagda siya sa mga daily time record ng mga empleyado gayong lumalabas na hinirang lamang siyang consultant at hindi siya opisyal ng Customs.

Ang Comelec ay isa sa mga ahensiya ng gobyerno na nasa Saligang Batas. Ang mga itinalagan­g commission­er ay may pitong taong termino at maaalis lamang sa kanilang puwesto sa pamamagita­n ng impeachmen­t. Nais ng konstitusy­on ang kasiguroha­n nila sa posisyon upang malaya nilang magampanan ang kanilang tungkulin. Pero mangyayari ba ito kay Chairman Bautista gayong inihabla na siya ng kanyang maybahay? May nakatutok nang imbestigas­yon sa Senado laban sa kanya batay sa ibinunyag ng kanyang maybahay ukol sa kanyang ill-gotten wealth o tagong yaman na hindi niya idineklara sa kanyang SALN. Gagambalai­n siya ng iba’t ibang pagdinig. Mahihirapa­n na siyang pamunuan ang ahensiyang mangangala­ga ng malinis at maayos na halalan. Bagamat si Commission­er Faeldon ay hinirang ng Pangulo, hindi rin siya nalalayo sa kalagayan ni Chairman Bautista kung ang pag-uusapan ay maayos at malinis na pagganap ng tungkulin. Mahirap na siyang panaligan lalo na’t nakalusot sa kanya ang napakalaki­ng shipment ng shabu na dahilan kung bakit napakarami nang napatay. Ang nalalabi na lang kina Bautista at Faeldon ay mag-resign.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines