Balita

‘Baka Bukas,’ tampok sa Cinema One

-

ABANGAN ang kakaibang kuwento ng pagkakaibi­gan at pag-ibig sa 2016 Cinema One Originals Film Festival selection at Audience Choice awardee na Baka Bukas,

bida sina Jasmine Curtis Smith at Louise delos Reyes, sa unang pag- ere nito sa Cinema One ngayong Linggo (Agosto 13).

Ang makulay na pelikulang ito mula sa direktor na si Samantha Lee ay tungkol kay Alex (Jasmine) na natutong mahalin ang kanyang pinakamata­lik na kaibigan na si Jess (Louise). Isang gabi ang magpapabag­o sa lahat nang matuklasan ni Jess ang sekreto ni Alex at mapipilita­n silang harapin ang totoong nararamdam­an nila para sa isa’t isa.

Nakuha rin ng pelikula ang Best Actress award para kay Jasmine at Best Sound para kay Andrew Milallos mula sa Cinema One Originals filmfest. Kabilang sa cast sina Kate

Alejandrin­o, Nelsito Gomez, at ang C1 BTS host na si Gio Gahol.

Nang maipalabas ito sa naturang filmfest at tumatak sa social media, ipinalabas rin ang

Baka Bukas sa malalaking sinehan sa buong bansa nitong nakaraang Marso.

Pinuri ni Cheekie Albay ng Cosmo. ph ang pelikula sa bagong pag-atake nito sa kakaibang kuwento ng pag-ibig. Aniya, ipinakita ng pelikula ang lesbian relationsh­ips bilang isang magandang samahan ng dalawang tao na parehong karapat-dapat magmahal at mahalin.

Natakangga­p rin ng papuri si Samantha sa magandang pagkakagaw­a ng pelikula, bagamat ito ang kanyang directoria­l debut.

Ayon sa review ng Uglywriter­s. com, nagawang buuin ng direktor ang pelikula na malayo sa karaniwang kuwento ng pag-ibig na kadalasang napapanood sa mga sinehan. Ginawa rin niyang relatable ang mga karakter at ipinakitan­g sila ay makakatoto­hanan.

Makipagsap­alaran para sa pag-ibig sa Baka Bukas sa Blockbuste­r Sunday ng Cinema One ngayong Agosto 13, 8 PM. Mapapanood ang Cinema One sa SkyCable at Destiny Cable Digital Ch. 56, at Destiny Analog Ch. 37. Sundan ang Cinema One sa Facebook facebook.com/ Cinema1cha­nnel para sa kumpletong schedule nito.

 ??  ?? Louise at Jasmine
Louise at Jasmine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines