Balita

Abu Sayyaf natakasan uli, sub-leader napatay

- Ni NONOY E. LACSON

ZAMBOANGA CITY – Isang sub-leader ng Abu Sayyaf Group (ASG) na nahaharap sa patungpato­ng na kasong kriminal, mula sa kidnapping hanggang sa siyam na bilang ng muder, sa iba’t ibang korte sa Sulu at Tawi-Tawi, ang napatay sa pakikipagb­akbakan sa dagat sa Joint Task Force Sulu sa Sulu, nitong Linggo ng madaling araw.

Kinilala ni Armed Forces of the Philippine­s- Western Mindanao Command ( AFP- WestMinCom) Spokespers­on Army Capt. Jo-Ann Petinglay ang napatay na ASG subleader na si Salvador Muktadil, alyas “Badong”, isa sa magkakapat­id na Muktadil.

Ayon kay Petinglay, sakay ang mga tauhan ng Joint Task Force Sulu sa mga barko ng Philippine Navy nang makipagbak­bakan sa grupo ni Badong sa Barangay Silangkan, Parang, Sulu bandang 1:10 ng umaga nitong Linggo, na ikinamatay ng suspek.

Ayon kay Petinglay, isa si Badong sa Muktadil Brothers na karaniwan nang inuutusan ng ASG sa mga high-profile murder at cross-border kidnapping­s.

Sangkot din si Badong sa pagdukot kina Yahong Lim ng Sempornah, Sabah; Evelyn Chang ng Tawan, Sabah; at Naga, Zamboanga Sibugay Mayor Gemma Adana.

“Badong is well-experience­d in operating speedboats utilized by the Abu Sayyaf as getaway vehicles in executing kidnapping ploy,” sabi ni Brig. Gen. Cirilito Sobejana, commander ng Joint Task Force Sulu. “His death rendered high seas kidnapping­s, particular­ly in TawiTawi and Sabah, suppressed.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines