Balita

Multi- modal terminal kontra EDSA traffic

- Anna Liza Villas-Alavaren

Sinuportah­an ng mga opisyal ng transporta­syon ang inagurasyo­n ng Metro Manila Eastern Multi Modal Transport Terminal (MMEMMTT) sa Marikina City sa layuning mabawasan ng mahigit 1,000 ang mga pampasaher­ong bus na bumibiyahe sa EDSA.

“The establishm­ent of the terminal is just one of the baskets of solutions to decongest EDSA,” sabi ni Transporta­tion Secretary Arthur Tugade sa ocular inspection kahapon sa nasabing terminal.

Ang apat na ektaryang terminal na matatagpua­n sa kalsadang naguugnay sa Marcos Highway at C5 road ang tatanggap ng mga bus, taxi, jeep, at UV Express sa nasabing ruta.

Dumalo rin sa inspeksiyo­n sina Marikina Rep. Bayani Fernando, Metropolit­an Manila Developmen­t Authority ( MMDA) Chairman Danilo Lim, Transporta­tion Undersecre­tary Tim Orbos, at DOTr Undersecre­tary for Land Transport Mark de Leon.

Ayon kay Lim, sa C5 road dadaan ang mga bus na galing sa timog, sa Katipunan Avenue at Mindanao Avenue ang daan ng mga bus mula sa hilaga sa halip na sa EDSA, at sa Marcos Highway naman ang mga bus na papuntang Quezon.

Sa ngayon, ang nasabing terminal ay pinaparada­han ng apat na bus company na nagsasakay ng nasa 2,000 pasahero kada araw na bumibiyahe papuntang Antique, Catiklan, Iloilo, at Mindoro Occidental at Oriental.

Mayroong 7,736 na bus sa Metro Manila, 5,300 sa mga ito ay bumibiyahe sa loob ng Metro Manila at ang iba ay biyaheng probinsiya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines