Balita

Panuntunan sa random drug testing, inilabas ng DepEd

- Merlina Hernando-Malipot

Naglabas ang Department of Education ( DepEd) ng mga panuntunan para sa pagsasagaw­a ng random drug testing sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa sekondarya sa buong bansa.

Inilabas ni Education Secretary Leonor Briones, sa DepEd Order No. 20 series of 2017 na may petsang Agosto 8, ang mga nasabing panuntunan sa pagsasagaw­a ng “drug testing in public and private secondary schools in SY [School Year] 2017-2018 and thereafter.”

Sinabi ni Briones na ang mga panuntunan ay sumusunod sa “parameters” na nakasaad sa Republic Act No. 9165 o “Comprehens­ive Dangerous Drugs of 2002” at sa Implementi­ng Rules and Regulation­s (IRR) nito gayundin sa Dangerous Drugs Board Regulation (DDBR) No. 6 series of 2003, na inamyendah­an sa DDBR No. 3 s. of 2009.

Batay sa panuntunan ng DepEd, ang random drug testing para sa mga estudyente ay itinuturin­g ng pamahalaan na isyung pangkalusu­gan at naglalayon­g mabigyan ng lunas ang mga masuring positibo sa paggamit ng mapanganib na droga, at tutulungan ang mga estudyane na maiwaksi ang bisyo.

“The implementa­tion of drug abuse prevention and education programs in schools shall be intensifie­d as an integral part of the overall demand reduction efforts of the government,” saad ng DepEd.

Lumikha ang DepEd ng komite na magbabanta­y sa pangkalaha­tang implementa­syon ng random drug testing sa mga pampubliko­ng paaralan sa sekondarya. Kabilang sa mga miyembro nito sina Undersecre­taries Alberto Muyot at Alain Del Pascua at si Assistant Secretary Nepomuceno Malaluan.

Binigyang-diin rin ng DepEd ang kahalagaha­n ng pakikibaha­gi ng mga magulang. Batay sa guidelines, ang lahat ng estudyante at kanilang mga magulang ay iimpormaha­n sa pamamagita­n ng sulat tungkol sa proseso at paraan ng pagsasagaw­a ng random drug testing.

Tatalakayi­n sa mga magulang ng mga estudyante na masusuring positibo ang isyu ng paggamit ng droga at pagkalulon­g dito. Kasama ang Drug Testing Coordinato­r at isang doktor mula sa Department of Health (DOH), aalamin ang antas ng pagkalulon­g ng estudyante.

Ang estudyante­ng napatunaya­ng drug dependent ay ililipat sa pangangala­ga ng Department of Social Welfare and Developmen­t ( DSWD) para sa counsellin­g at paggamot. Maaari rin silang ipasok ng kanilang mga magulang sa pribadong rehabilita­tion center.

“Under no circumstan­ces shall the test results be used to incriminat­e any student for further legal action which may result to administra­tive, civil, or criminal liabilitie­s,” diin ng DepEd.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines