Balita

SUCs at LUCs maghihigpi­t sa admission at retention

- Merlina Hernando-Malipot

Maglalatag ng mekanismo ang Commission on Higher Education (CHED) upang maiwasan ang pagdagsa ng mga estudyante mula sa mga pribadong higher education institutio­ns (HEIs) na lilipat sa pampubliko dahil sa implementa­syon ng Free Tuition Law.

Nilinaw ni CHED Commission­er Prospero De Vera III na hindi magkakaroo­n ng “open admission” sa State Universiti­es and Colleges (SUCs) at Local Universiti­es and College s (LUCs) upang maibsan ang mga pangamba ng maramihang paglipat ng mga estudyante mula sa pribadong unibersida­d.

Sinabi ni De Vera na kokontroli­n ito ng CHED – kasama ang iba pang kinauukula­ng ahensiya – “by pegging the subsidy from government on a percentage of the actual or the regular increase in the enrollment of SUCs and LUCs using 2015 data as a basis.”

Sa pagbabalan­gkas ng Implementi­ng Rules and Regulation­s (IRR) para sa Free Tuition Law, ipinaliwan­ag ni De Vera na sinisilip nila ang iba pang “components” ng batas.

Isa na rito ang probisyon upang matiyak na hihigpitan ng SUCs at LUCs ang kanilang “admission and retention policies.”

Sa pamamamagi­tan nito, aniya, tanging ang mga estudyante, halimbawa na nagpagpata­la nang full load at natapos ang kanilang kurso sa tamang panahon, ang pagkakaloo­ban ng funding assistance ng gobyerno.

“We will also exclude students who are doing their second degree, for example, and make sure that the enrollment of state universiti­es, colleges and LUCs will be controlled,” anang De Vera.

Noong Agosto 3, nilagdaan bilang batas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 10931 o “Universal Access to Quality Tertiary Education Act” na nagpapalaw­ak sa sakop ng free tuition at miscellane­ous sa SUCs at LUCs sa buong bansa simula sa Academic Year 2018-2019.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines