Balita

Peter Lim, no show sa DoJ probe

- Ni BETH CAMIA

Hindi sinipot ng negosyante­ng si Peter Lim ang pagsisimul­a ng imbestigas­yon ng Department of Justice (DoJ) sa kasong ilegal na droga na isinampa ng Philippine National Police- Criminal Investigat­ion and Detection Group ( PNP- CIDG) laban sa kanya.

Paulit-ulit na itinanggi ang taguri sa kanya bilang big-time drug lord sa Visayas, tanging mga abogado ni Lim ang dumalo sa pagdinig.

Hindi rin sumipot sa unang araw ng imbestigas­yon ng Do J ang convicted drug lord na si Peter Co, na kabilang sa mga nahaharap sa kasong illegal drug trade.

Bukod kina Lim at Co, kinasuhan din sa DoJ, sa paglabag sa Section 26 ng Comprehens­ive Dangerous Drugs Act (RA 9165), ang self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa; at ang iba pang bilanggo sa National Bilibid Prisons (NBP) na sina Marcelo Adorco, Max Miro, Lovely Adam Impal, Ruel Malindanga­n, at Jun Pepito.

Dumalo naman sa preliminar­y investigat­ion si Espinosa, na nakasuot ng bullet- proof ng National Bureau of Investigat­ion (NBI).

Batay sa reklamo ng CIDG, Si Lim ang itinuturon­g supplier ng droga ng grupo ni Espinosa.

Iginiit naman ng isa sa mga abogado ni Lim na si Atty. Magilyn Loja na kliyente niya si alyas “Jaguar” na itinuturo ng PNP.

Itinakda ng DoJ panel ang susunod na hearing sa Agosto 24, at inaasahang sa nasabing petsa ay maghahain na ng kanyang counter affidavit si Peter Lim.

 ??  ?? Espinosa
Espinosa

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines