Balita

Malalim na tulog nakatutulo­ng sa pagpapalak­as ng motor skills

-

NADISKUBRE ng mga neuroscien­tist sa University of California, San Francisco (UCSF), na pinalalaka­s ng utak ng hayop ang motor skills nito habang natutulog.

Ayon sa pag-aaral na inilathala sa Nature Neuroscien­ce, napag-alaman ng mga mananaliks­ik na habang nangyayari ang non-rapid eye movement, o ang non-REM, sa pagtulog ay bumabagal ang brain waves kaya napalalaka­s nito ang neural touchpoint­s na direktang konektado sa mga nagagawa o naiintindi­han lamang kapag gising.

Pinamunuan ni Karunesh Ganguly, associate professor ng neurology sa UCSF, nagtanim ang grupo ng electrodes sa motor region ng utak ng mga daga upang madala ang mga electrical signal nito sa isang computer, na magpapagal­aw sa nakakabit na aparato, sa isang proseso o sistema na tinatawag na brain-machine interface (BMI).

Ipinaliwan­ag ni Tanuj Gulati, postdoctor­al scholar at panguhahin­g may akda sa pag-aaral, sa inilabas na balita na normal nang gawin ng isang partikular na neuron ang pagkontrol sa katawan, ngunit ang bagong relasyon ng nasabing neuron ay maaaring kabitan ng panlabas na aparato.

Ang na-redirect na neuron, sa kasong ito, ay makatutulo­ng sa pagkontrol sa panlabas na aparato, at masusubayb­ayan ng mga mananaliks­ik ang aktibidad ng neuron na ito upang makita kung paano pinagsasam­a ng utak ang bagong kaugnayan na ito.

“Eventually the rats learn to delink actual movements from the spout—they know they don’t really need to flinch their arm or do anything to make it move,” ani Gulati. “All they have to do is volitional­ly control the pipe and it will come to them.”

Ang mga nadiskubre­ng ito ay magiging daan upang makabuo ng mga bagong medical stimulatio­n device, at consumer-driven wearable na mga aparato, o “electroceu­ticals”, na magpapagan­a sa mga brain cell at makapagpap­aibayo sa kaalaman ng tao.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines