Balita

Trump vs Kim Jong-Un

- Bert de Guzman

NAKASAMA ko si Sen. Gregorio “Gringo” Honasan nang mag- aklas ang noon ay Defense Minister Juan Ponce Enrile ( JPE) sa administra­syong Marcos noong Pebrero 1986. Siya ang chief security aide ni JPE, magandang lalaki, matipuno at tapos sa Philippine Military Academy sa Baguio City. Halos gabi-gabi ay nakikita ko siyang nagdya- jogging sa malawak na espasyo ng Camp Aguinaldo bago pa ang kudeta. Galit siya sa diktadurya ni ex-Pres. Marcos, sa kurapsiyon at sa umiiral na palakasan at paboritism­o sa Armed Forces of the Philippine­s (AFP). Nasa likod siya ni Enrile sa MND Social Hall nang ihayag nina JPE at Gen. Fidel V. Ramos ang kanilang pagkalas.

Ngayon, si Gringo Honasan na galit sa kurapsiyon at palakasan sa AFP, ay nahaharap sa kasong graft dahil sa umano’y maling paggamit ng kanyang P30 milyong PDAF (Priority Developmen­t Assistance Fund o pork barrel noong 2012. Iniutos ng Sandiganba­yan na dakpin siya dahil sa two counts of graft. Pinagpipiy­ansa siya ng P60 milyon para sa kanyang paglaya.

Kabilis ng mga pangyayari. Si Gringo na muhing- muhi sa kurapsiyon ay nahaharap ngayon sa kasong kurapsiyon o graft. Anyway, marami rin akong kakilala na aktibista, sumisigaw ng rebolusyon, pinatatals­ik si Marcos, idolo sina Mao Tse Tung, Che Guevarra at Fidel Castro, pero sa bandang huli ay naging praktikal, sumama sa pulitika at naging mga katuwang pa ng mga traditiona­l politician na dati-rati ay kanilang minumura.

Maliwanag na nagsisinun­galing ang China nang ihayag ng Foreign Minister nito na dalawang taon nang itinigil ang reclamatio­n activities sa West Philippine Sea sa okasyon ng ika-50 anibersary­o ng ASEAN na ginanap sa bansa. Batay sa mga larawan na ipinakita ng Asia Maritime Transparen­cy Initiative of the Center for Strategic and Internatio­nal Studies, patuloy ang reklamasyo­n sa Tree Island sa may Paracel Islands. Maging si DFA Sec. Alan Peter Cayetano ay naniniwala­ng itinigil na ng China ang reklamasyo­n sa disputed islands sa West Philippine Sea ( WPS) o South China Sea (SCS).

Samantala, isang US navy ship, ang USS John S. McCain, ang naglayag malapit sa Mischief Reef na saklaw ng Pilipinas pero inaangkin ng China. Ang US navy destroyer ay nagsagawa ng “freedom of navigation operation” noong Huwebes at nakalapit sa 12 nautical miles ng isang artificial island na ginawa ng China sa SCS. Sa ngayon, ang Vietnam ang pinakamahi­gpit na kritko ng China sa ginagawa nito sa WPS-SCS, partikular sa reklamasyo­n at militarisa­syon, nito sa ilang reefs, shoals at atolls, habang ang Pilipinas na nanalo sa arbitral court ruling ay walang kibo, tameme at hindi nagpoprote­sta dahil baka raw tayo giyerahin ng China.

Naggigiria­n ngayon ang North Korea at US dahil sa patuloy na pagsasagaw­a ng bansa ni Kim JongUn ng interconti­nental ballistic missiles tests na ikinababah­ala ng mundo. May plano pa yata ang...

North Korea na ihayag ang detalyadon­g plano sa paglulunsa­d ng ballistic missiles sa US pacific territory ng Guam. Nagbanta si US Pres. Donald Trump sa North Korea na itigil ang ballistic tests at mga pagbabanta sapagkat baka sa dakong huli, ito ay ganap na mawasak o mabura sa mapa ng mundo. Ito na ba ang Armageddon?

Nagalit si Pres. Rodrigo Roa Duterte sa Oxford University sa England dahil pinagbibin­tangan siyang gumagamit ng mga troll, blogger at fake journalist­s para pagandahin ang kanyang imahe at siraan ang mga kritiko at kalaban sa pulitika. Tinawag niyang institusyo­n ng mga “bugok” ang Oxford University at hindi nito alam ang pinagsasab­i. May mga kaibigan akong nagsabi na maging sa mainstream media rin daw ay may “nakatanim” na journalist­s si PRRD. Totoo ba ito, Sec. Andanar?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines