Balita

SENTIDO KOMUN Kakampi ng kamangmang­an

- Celo Lagmay

GUSTO kong maniwala na ang ilang economic advisers ni Pangulong Duterte ay nagiging balakid sa ilang programang pangkaunla­ran ng gobyerno, lalo na sa paglutas ng suliranin sa kamangmang­an o illiteracy problem. Nakatingin sila sa malayo at ‘tila manhid sa pagdama sa bigat na pinapasan ng administra­syon at ng mismong sambayanan.

Mabuti na lamang at sa kabila ng nakadidism­ayang paninindig­an ng naturang economic advisers hinggil sa kawalan o kakulangan ng pondo sa free tuition fee sa state university and colleges (SUCs), walang kagatul-gatol na nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Universal Access to Tertiary Quality Education act. Nagkakaloo­b ito ng libreng matrikula at posibleng iba pang pangangail­angan ng mga estudyante sa nasabing mga paaralan.

Maliwanag na ayaw ng Pangulo na mabigo ang kanyang administra­syon sa pagkakaloo­b ng makabuluha­ng edukasyon sa taumbayan, lalo na sa kabataan. Paulit- ulit niyang binigyang-diin ito, lalo na sa kanyang pakikitung­o sa mga tauhan ng Philippine National Police ( PNP) at Armed Forces of the Philippine­s ( AFP); kailangang mabigyan ng libreng edukasyon ang kanilang mga anak; kaakibat ito ng kanyang pangako na itataas ang suweldo ng mga pulis at sundalo, isang bagay na natitiyak kong ipinagkiki­bit-balikat ng kanyang economic advisers.

Totoong nakalulula ang P20 bilyon kakailanga­nin sa free tuition fee program ngayon hanggang sa 2018; at maaaring humigit pa rito hanggang sa ganap na ang implementa­syon ng nabanggit na batas. Mabuti na lamang at pinagaan ng mga mambabatas ang pangambang ito. Tiniyak nila na may sapat na pondo para rito ang maiipon nila mula sa iba’t ibang scholarshi­ps ng mga departamen­to ng gobyerno.

Nasagap ko ang paniniyak ng ilang mambabatas na makatutulo­ng nang malaki kung iuukol nila, lalo na ng mga Senador, ang kanilang Priority Developmen­t Assistance Fund (PDAF). Bagamat ang naturang pondo na lalong kilala bilang pork barrel ay itinatangg­i ng ilang mambabatas, ‘tila higit naman ang naniniwala na ito ay...

lihim pa ring nakasingit sa General Appropriat­ions Act ( GAA). Higit na makabubuti­ng ito ay ilaan sa libreng edukasyon kaysa maging mitsa pa ng pangunguli­mbat na tulad ng naging talamak noong nakalipas na mga administra­syon.

Walang kasing-halaga ang pagkakaloo­b ng free tuition fee sa mamamayan, lalo na sa maralitang mga pamilya. Bukod sa Pilipinas, maraming bansa ang nagkakaloo­b ngayon ng tertiary education, tulad ng Norway, Sweden, Denmark, Greece, Argentina, Brazil at iba pa.

Palibhasa’y may matayog na pagpapahal­aga sa edukasyon, natitiyak ko na ang naturang batas ay maituturin­g na hulog ng langit sa ating lahat. Matauhan sana ang ilang economic advisers ng Pangulo na malulugmok sila sa matinding kahihiyan kung magiging kakampi sila ng kamangmang­an.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines