Balita

Albie, Joseph, Kean at Kylie, patalbugan sa ‘Triptiko’

-

KAKAIBA at natatangi ang unang sabak sa big screen ng director na si Mico Michelena sa pelikulang Triptiko na isa sa entries sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na magsisimul­a na bukas, Agosto 16. Tatlong medyo weird na kuwentong pinagbibid­ahan nina Albie Casino, Joseph Marco, Kean Cipriano at Kylie Padilla ang hatid nito sa mga manonood.

Natagalan man ang paggawa at pagpapalab­as, nagsilbi namang hulog ng langit ang pagpili ng PPP sa pelikula na binigyan pa ng Grade A rating ng Cinema Evaluation Board.

“Everything fell in its proper place. Sinuwerte kami sa PPP, binigyan ng Grade A and Star Cinema will distribute the film. Saka na-inspire din ako sa pagiging blockbuste­r ng movie na Kita Kita kaya naman I hope the moviegoers will patronize the film,” pahayag ni Direk Mico.

Natutuwa rin ang baguhang director na naitawid ng mga bida niya ang kanya-kanyang kuwento. Bida si Albie sa episode na “Suwerte” pero minalas nang makasaksi siya ng isang krimen.

“Very physical at emotional ang role ko. Walang masyadong dialogue pero nakaka-drain din ang mga eksena. Isang malaking challenge sa akin ‘yon na nagpapakit­a ng iba’t ibang emosyon sa mga scene,” saad ni Albie.

Modelo naman si Joseph sa kuwento ng “Hinog.” Dati siyang modelo bago inagaw ng showbiz kaya effortless sa kanya ang role.

“Eh, tinubuan ako ng boil sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Mahirap ‘yung eksenag ini-extract sa katawan ko ‘yung mga pigsa. Siyempre, hubad ako sa scenes, ha-ha-ha! But the film is very exciting,” sey ni Joseph.

Bida sina Kean at Kylie sa istorya na “Musikerong John.” Nagamit ni Kean ang pagiging musikero niya pero madamdamin din ang mga eksena nila ni Kylie dahil lumabas ang iba’t ibang hugot ni Kean sa madamdamin­g kuwento.

Kanya- kanya man ng kuwentong pinagbibid­ahan, nagkakaisa naman ang mga unang nakapanood ng Triptiko na swak na swak sina Albie, Joseph, Kean at Kylie at patalbugan sila sa pagpapakit­a ng kahusayan sa pagganap.

Tatlong medyo weird na kuwento, tatlong magagaling na aktor sa kanilang panahon at isang magaling na director, panoorin ang Triptiko sa mga sinehan nationwide simula ngayong Miyerkules!

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines