Balita

Mag-Asawa'y 'Di Biro

- Ni Leonardo T. Buluran

Ika-91 labas

BUKOD kay tandang Rodolfo Narciso o Ruding, nanatiling problema rin siya ni Precy. Kung bakit hindi rin niya mapaniwala­ang hindi sasabihin ni Precy kay Efren ang mga nakita nito.

Kaibigan mo namang karnal si Precy, di ba? Malay mo naman kung siya si Precy? Kung hindi sa Precing ‘yon, di ba napahawak na siya sa kamay ni Ruding?

Ang hindi inakala ni Deth ay mareresolb­a pala ang isa sa malaking problema niya, isang umaga.

Kaaalis lang ni Efren nang umagang iyon. Nakaupo siya sa plant box sa labas ng bakuran nila sa tapat ng kanilang bahay. Matindi ang kanyang pag-iisip. Kung puntahan kaya niya ang kanyang kumareng Precy? (Kaibigan pa ba niya ang babaeng iyon?) Siguro, hihingi siya ng tawad. Pag nagkaayos na sila, siguro’y hihilingin niya (o kahit na magmakaawa siya at maglumuhod) na manahimik na lang ito. Tutal, mareng Precy, wala ka namang magiging pakinabang pag nag-away kami ng asawa ko. Isa pa, mare… pag itinahimik mo ‘yang makati at sanga-sanga mong dila, puwede na uli tayong maging magkabarak­ada sa bingohan.

“Ngak! Sori sa huling sinabi ko. Sori talaga!” Bakit ba napalakas na naman ang kanyang pag-iisip?

Nang dumaan ang tinedyer na lalaking nagtitinda ng pang-umagang mga tabloid: “D’yaryo… d’yaryo! Balita!”

Hindi siya palabili ng diyaryo. Bakit kailangan ang diyaryo ay naririnig naman niyang lahat sa radio at napapanood sa telebisyon ang lahat ng mga balitang dapat niyang malaman. Pero sa kawalan yata ng magawa, bumili siya ng isang tabloid. Balita. Pinasadaha­n ang mga balita sa front page.

Isa sa mga pangunahin­g balita: RETIRADONG PULIS, KABIT, PATAY! Hindi sana magiging importante sa kanya ang balitang iyon kundi niya mabasa ang pangalan ng pulis. Kandidilat siya! Hindi siya makapaniwa­la. Kung ilang ulit niyang binasa ang pangalang iyon. RODOLFO NARCISO! Walang iba kundi ang Ruding na iyon.

Ilang ulit din niyang binasa ang detalye ng balita. Nakakapang­alan lang. Pero malinaw din na walang iba kundi ang Ruding na iyon. Pulis-maynila dati. May address sa Bangkusay, Tondo noong nasa serbisyo pa at sa kasalukuya’y naniniraha­n sa Mambog, siyudad ng Malolos, Bulacan. Si Ruding nga… si Ruding!

Matagal pang pinaghihin­alaan ng mister ang kanyang asawa na umamo’y may relasyon sa naturang pulis mula pa noong mga huling taon sa serbisyo.

Sabi pa sa balita ay minsan na raw nakulong ang mister sa salang pagnanakaw. Nagkakilal­a raw si misis at ang pulis dahil mismong ang pulis na ito ang nakahuli kay mister.

Hindi na niya masyadong binasa ang iba pang detalye sa balita. Matagal nang nabani Deth ang tungkol sa naturang balita, hindi pa siya makatinag sa pagkakaupo sa plant box. Para siyang latang latang pagod na pagod na hindi niya mawari.

Kung tutuusin, dapat siyang magsaya. Dapat siyang maglulunda­g sa tuwa. Di ba nawala na ang pinaka-malaki niyang problema? Sa dalawa niyang problema (ang kay Precy at ang sa Ruding na ito) di ba higit na malaki ang tungkol sa Ruding na ito? Ngayong wala na ang Ruding na ito, di ba dapat na siyang magdiwang?

Noong gabing iyon, hindi pa rin agad siya nakatulog. Totoong malaking bahagi na rin ng problema niya ang nawala pero may natira pa rin. Maliit nga lang kung tutuusin ang bahaging may kinalaman sa Precing iyon. Pero problema pa rin. At baka dito sa problemang ito siya mahirapan. Remember, galit sa kanya ang Precing ito. Dapat, ayusin niya ang Precing ito sa lalong madaling panahon.

Itutuloy…

 ?? R.V. VILLANUEVA ??
R.V. VILLANUEVA
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines