Balita

Ancheta, markado sa Shell Chess National Finals

-

WINALIS ni David Ancheta ang mga karibal para angkinin ang kiddies class, habang umarangkad­a sina Adrian Yulo at Ahmad Ali Azote sa kani-kanilang dibisyon sa Shell National Youth Active Chess Championsh­ip’s Northern Mindanao leg nitong Linggo sa SM City-Cagayan de Oro.

Matapos ang anim na sunod na panalo sa unang araw ng torneo nitong Sabado, nanatiling mainit ang kampanya ni Ancheta kontra Prince Mella sa ikapitong round bago nungusan sina Kiel Villa at Joel Hoy ng Corpus Christi School para angkinin ang 7-12 age group sa third leg ng five-stage regional circuit.

Nalagpasan din ni Joseph dela Rama ng City Central School ang huling tatlong karibal, tampok ang panalo kay Kurt Managase para sa solong ikalawang puwesto at masungkit ang ikalawang berth para sa National Finals na nakatakda sa Oct. 7-8 sa MOA Arena.

Wala ring dungis si Yulo sa unang araw ng laban bago sinundan ng panalo kontra Mary Joy Tan at nakihati ng puntos kina Ronald Canino at Clyde Saraos para makamit ang junior crown tangan ang 8.0 puntos, kasunod si Canino na may 7.5 puntos.

Nakasosyo naman si Azotes sa three-way lead kasama sina Romeo Canino at Emmanuel Acierto matapos ang anim na rounds sa seniors division, bago nagwagi kina Acierto, Arden Abiad at Marc Villarojo para sa liderato.

Umusad din sa National finals ang top female players na sina Rhea Jean Canino ng Kauswagan Central School, Mary Joy Tan ng Jasaan National HS at Zsuzsa Grace Tabudlong ng University of Mindanao (Davao City).

Host ang Davao para sa sa Southern Mindanao stage sa Sept. 2-3 sa SM City bago isagawa ang regional elims sa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines