Balita

Banggaan ng Knights at Stags sa NCAA

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Fil Oil Flying V Center)

8 m.u. -- Arellano vs Perpetual (jrs) 10 n.u. -- JRU vs EAC (jrs) 12 n.t. - Arellano vs Perpetual (srs) 2 n.h. -- JRU vs EAC (srs) 4 n.h. -- Letran vs San Sebastian (srs) 6 n.g. -- Letran vs San Sebastian (jrs)

ITATAYA kapwa ng Letran at season host San Sebastian College ang naitalang winning run upang manatiling matatag sa standings sa kanilang pagtutuos ngayong hapon sa tampok na laro ng nakatakdan­g triple bill sa seniors division ng NCAA Season 93 basketball tournament sa Fil -Oil Flying V Center sa San Juan City.

Magtutuos ang Knights at Stags na magkasunod sa kasalukuya­n sa team standings kasunod ng mga namumunong Lyceum at San Beda College.

Hawak ng Knights ang solong ikatlong puwesto taglay ang barahang 4-3,panalo-talo isang panalo ang angat sa Stags na nasa ika-4 na puwesto na may patas na kartadang 3-3 kasalo ng Emilio Aguinaldo College.

Tangan ng Letran ang three-game winning run, pinakahuli kontra University of Perpetual, 63-61, nitong Biyernes habang back-to-back wins naman ang pipiliting dugtungan ng Stags, pinakahuli kontra College of St. Benilde,101-71, sa nakatakda nilang tapatan kasunod ng unang dalawa pang seniors matches, una sa pagitan ng Arellano University at University of Perpetual ganap na 12:00 ng tanghali kasunod ang labanang Jose Rizal University at Emilio Aguinaldo College ganap na 2:00 ng hapon.

Galing sa 30-puntos na panalo kontra Blazers, inaasahan ni Stags coach Egay Macaraya na magtutuloy ang hawak na momentum.

Kapwa galing sa kabiguan sa nakaraan nilang laro, mag-uunahang makabawi ang Heavy Bombers na nabigo sa San Beda , 48-54 at ang Generals na galing sa masaklap na pagkapahiy­a sa kamay ng league leader Lyceum noong Huwebes sa kanilang homecourt, 93-97.

Ganito rin ang sitwasyon ng Chiefs at ng Altas na magsisikap makabalik sa winning track at kumalas mula sa kinalalagy­ang three-way tie sa sixth spot kasalo ng St. Benilde na may markang 2-4.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines