Balita

Pinoys sa Guam, SoKor inalerto

- Nina ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS, BELLA GAMOTEA at MARIO B. CASAYURAN

Hiniling ng Malacañang kahapon sa mga Pilipino sa Guam at South Korea na makipagugn­ayan sa mga embahada ng Pilipinas para sa contingenc­y plan sa harap ng mga banta ng North Korea na titirahin ng missile ang Guam.

Umapela si Presidenti­al Spokespers­on Ernesto Abella sa mga Pinoy sa Guam at Korean Peninsula na makipag-ugnayan sa Department of Foreign Affairs (DFA).

“We ask all Filipinos in Guam and Korea and their families here to inform DFA or our consular officials of their whereabout­s,” anang Abella sa Mindanao Hour press briefing kahapon.

Sinabi ni Abella nitong Linggo na mahigpit na nakabantay sa sitwasyon ang Philippine Embassy

sa Seoul, South Korea at ang Consulate General sa Agana, Guam.

BLUE ALERT Itinaas ng konsulado sa Guam ang Blue Alert Level, mula sa dating White, bilang paghahanda sakaling ituloy ng North Korea ang banta nito laban sa teritoryo ng US sa Pacific.

Kinumpirma kahapon ng Department of Foreign Affairs ( DFA) na pirmado na nito ang rekomendas­yon ni Philippine Consul General Marciano de Borja para sa pagbabago ng alerto at ilalatag na contingenc­y plan para sa 43,000 Pilipino sa Guam sa oras na lumala ang sitwasyon.

Nakahanda na ang 24- oras na chartered flight para sa mga lilikas na kababayan mula Guam patungong Manila. Pinaghahan­da rin ang mga Pilipino sa Guam ng first aid kit, damit, pagkain, tubig at iba pang mahahalaga­ng dokumento.

CRISIS FUND Iminungkah­i ni Senate President Pro Tempore Ralph G. Recto kahapon na bigyan ng “quick reaction fund” ang lahat ng embahada ng Pilipinas sa conflictth­reatened countries upang mabilis na mailayo sa kapahamaka­n ang mga Pilipino.

“Our foreign posts must be given the capacity to make the arrangemen­ts. Hindi lang hanggang plano at advisories,’’ diin ni Recto.

Nanawagan siya ng paglikha ng “contingenc­y fund” sa ilalim ng Department of Foreign Affairs (DFA) para magamit ng mga embahada kung saan may banta ng digmaan o mataas ang karahasan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines