Balita

Nag-alok ng second-hand cp, kaloboso sa pagtakbo

- Martin A. Sadongdong

Pinaalalah­anan ng awtoridad ang publiko na maging maingat sa pagbili ng second-hand cell phone sa pagkakaare­sto sa isang hinihinala­ng miyembro ng “Cell phone-Sangla” modus sa Pasay City, nitong Lunes ng gabi.

Inaresto ng mga pulis si Mark Nino Migos, nasa hustong gulang, ng Barangay 43, Pasay, kasunod ng reklamo ng biktimang tumangging magpabangg­it ng pangalan.

Ayon kay PO3 John Barraza, imbestigad­or, inalok ni Migos ng cell phone, na nagkakahal­aga ng P24,000, ang biktima sa halagang P1,200 sa Bgy. 43, dakong 7:00 ng gabi.

Gayunman, hindi ibinigay ng suspek ang cell phone sa biktima matapos nitong magbayad.

“Ang modus nila, mag-aalok ng items na mura kumpara daw kung bibilhin sa mga mall, pero kapag nakuha ang bayad ay ‘di ka na babalikan,” ani Barraza.

Aniya, sinabihan ni Migos ang biktima na magbayad muna bago ibigay ang cell phone at pumayag naman ang biktima.

Nang iabot ng biktima ang P1,200, dinala siya ni Migos sa Inquimboy Street corner Sandejas Street kung saan siya pinaghinta­y dahil kukunin umano ng suspek ang cell phone sa “supplier”. Gayunman, kinutuban na ang biktima kaya ipinagpili­tan niyang sasama siya kay Migos, hanggang sa tinakot siya nitong sasaksakin.

Matapos noon ay umalis si Migos na tila walang nangyari. Agad namang nagsumbong sa mga opisyal ng barangay ang biktima hanggang sa tuluyang nadakma ang suspek sa tulong ng mga residente.

Inamin ni Migos na apat na beses na niya itong nagawa upang kumita ng pera.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines