Balita

Janice, adik sa K-Pop

- –Nitz Miralles

KINANTIYAW­AN

namin si Janice de Belen nang makita namin sa presscon ng My Korean

Jagiya dahil noong ma-interview namin sa Magpakaila­nman, hindi naniwalang magkasinta­han ang Korean stars na sina Song Joong

ki at Song Hye Kyo at nakita pa nga sa Bali, Indonesia.

Ayaw maniwala ni Janice na super fans ni Song Joong- ki at nagbiro pang maglulupas­ay ‘pag totoong magsiyota ang dalawa. Eh, in-announce ang October wedding ng Song couple, kaya nang makita si Janice sa presscon, nakantiyaw­an namin na ang nasabi na lang ay, ‘Oo na, tama ka.”

Bagay na bagay mapasama sa cast ng My Korean Jagiya si Janice dahil certified addict din siya sa Korean dramas, Korean stars, pati yata Korean singers at ‘yung tinatawag na K-Pop. Basta, anything Korean, love and like niya. Kaya nang i-offer ang project, hindi na tinagalan ang pakikipagu­sap sa GMA-7 at tinanggap nila ng manager na si Popoy Caritativo ang project.

Ginagampan­an ni Janice ng role ni Aida Asuncion, ang balong tiyahin ni Gia ( Heart Evangelist­a) na kinukunsin­ti ang pagkaadik ng pamangkin sa Korean dramas at Korean stars. Sobra siyang nakaka-relate sa mga karakter nina Gia at Aida at hindi na niya kailangang iarte pa.

Masaya ang rom- com series sa direksiyon ni Mark Reyes na magsisimul­a na ang airing sa Monday. Magugustuh­an ang romcom series ng mga Pinoy na sobra ring adik sa Korean dramas, K-Pop at basta may kinalaman sa Korea. Sila na kung tawagin ay “kinain na ng sistema.”

 ??  ?? Janice
Janice

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines